Kelley Day super dusa sa alopecia

Nagdurusa pala ang Kapuso star at kandidata ngayon sa Miss World Philippines na si Kelley Day sa sakit na alopecia o ‘yung kondisyon na dahilan ng pagkalagas ng buhok.

kelley day super dusa sa alopecia - Kelley Day super dusa sa alopecia
kelley - Kelley Day super dusa sa alopecia

Jun Nardo I Know Better 1 336x224 - Kelley Day super dusa sa alopecia

Nagdurusa pala ang Kapuso star at kandidata ngayon sa Miss World Philippines na si Kelley Day sa sakit na alopecia o ‘yung kondisyon na dahilan ng pagkalagas ng buhok.

Inihayag ni Kelley ang kalagayan niyang ito sa introductory video niya sa Miss World PH habang umiiyak.

“This is the first time that I’m opening­ up about my alopecia ­situation where I have a bald spot at the back of my head. It took me almost a year ever since I found it in October 2018 to ­actually deal with it and only a couple of weeks ago have I ­started ­treating it properly,” ­simula ni Kelley­ sa video at sinundan­ niya ng iyak.

“I had so much fear and embarrassment about it ­especially with my line of work where I always get may hair styled, people­ take photos of me all the time,” dagdag niya.

Gustong iparating ng Kapuso ­artist sa mga taong may ­alopecia na, “Its okay. I want people to know how to deal with it properly.”

Naging daan ang pagsali ni Kelley sa Miss World PH upang magsilbing ­insprasyon sa ibang tao sa kuwento niya.

“With my story I want everyone to feel encouraged about who they are. I want people to see that no one’s perfect. I think without Miss Word Philippines I wouldn’t have opened about this.

“So I want to make the most of this platform. So please help me make a change,” saad pa niya.

Anyway, bukod kay Kelley, ang iba pang ­Kapuso artists na kandidata­ sa Miss World PH ay sina Isabelle de Leon at Michelle Dee.

Mark, Benj mega-happy kina Nicole, Chelsea

Lumarga na sa kanilang bagong pag-ibig ang Kapuso actors na sina Mark Herras at ­Benjamin Alves matapos ang breakup sa ­kani-kanilang girlfriend.

Si Mark kay Winwyn Marquez at si Benjamin kay Julie Anne San Jose.

Si Nicole Donesa ang bagong pag-ibig ngayon ni Mark. ­Nakasama niya ang baguhang ­artista sa Kapuso series na “Bihag”. Sa Facebook page ng aktor, bukod sa sweet pictures nilang dalawa, may ­pa-caption pa siyang, “To infinity and beyond.”

Sa parte naman ni Benj, ang model na si Chelsea Robato ang kapalit ni ­Julie Anne. Sa Instagram ng Kapuso ­actor, may litrato silang dalawa na nakakapagselos­ talaga dahil halos magdikit na ang kanilang mga labi, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *