Keann Johnson proud sa inang tomboy

Hindi itinanggi o ikinahiya ng baguhang aktor na si Keann Johnson, na ang nanay niya ay isang tomboy. Katunayan, mas nakatulong pa raw ang pagiging ‘lesbian’ nito para maunawaan niya ang maraming bagay, o kaganapan sa mundo, o mas lumakaw ang perspektibo niya pagdating sa pagmamahal.

The post Keann Johnson proud sa inang tomboy first appeared on Abante.

keann johnson proud sa inang tomboy - Keann Johnson proud sa inang tomboy
Keann Johnson - Keann Johnson proud sa inang tomboy

Hindi itinanggi o ikinahiya ng baguhang aktor na si Keann Johnson, na ang nanay niya ay isang tomboy. Katunayan, mas nakatulong pa raw ang pagiging ‘lesbian’ nito para maunawaan niya ang maraming bagay, o kaganapan sa mundo, o mas lumakaw ang perspektibo niya pagdating sa pagmamahal.

Kuwento ng bida sa pelikulang The Boy Foretold by the Stars, pitong taon siya noong umamin sa kanya ang ina na isa itong tomboy.

At ramdam daw ni Keann na noong mga panahong may karelasyon na lalake ang nanay niya, hindi ito masaya.

“Ang mindset ko kasi noon, as long as masaya ang mama ko, masaya rin ako.

“I saw her sa heterosexual relationship, hindi siya masaya. Alam niya na hindi siya in love sa lalake.

“Pero, noong na-in love siya with another woman, nakita ko na masaya talaga siya,” sabi ni Keann.

“Mas naging open ako to everything. Na-understand ko po ang different perspective. Nabigyan ako ng chance na magkaroon ng wonderful mom,” saad pa ni Keann.

Kuwento naman ni Direk Dolly Dulu, napakamapagmahal ng nanay ni Keann.

“Always nasa set po siya, sobrang maalaga ang mom niya.

“Sobrang love niya ang mommy niya. Mama’s boy siya. Sobrang maalaga po si Tita kay Keann. Pag pagod si Keann, binibigyan agad niya ng tubig. Nakatutok talaga si Tita kay Keann. Nakakatuwa po, kasi ang itsura ng mommy ni Keann, tipikal na butch (lalake ang dating).

“Noong pini-pitch ko ito, nag-audition si Keann, si Tita ang talagang go na go. Sabi niya, kaya ni Keann `yan. Siya talaga, binibenta niya sa akin si Keann noong time na `yon, dahil gusto talaga niya na maging part si Keann ng isang movie na magkukuwento ng ganito,” kuwento pa rin ni Direk.

Anyway, para kay Keann, pantay-pantay dapat sa pagmamahal. Walang kahit na sinong tao ang hindi dapat mahalin. At para sa kanya, hindi importante kung sino o ano ang mamahalin mo, dahil mas mahalaga ay maligaya ka.

Anyway, para sa mga fan, puwede na kayong bumili ng tiket ng The Boy Foretold by the Stars na magisisimulang mapanood sa Dec. 25. Mag-download lang ng Upstream. (Dondon Sermino)

The post Keann Johnson proud sa inang tomboy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *