KC,Pierre break na

Marami ang nalungkot dahil pakiramdam nila ay hiwalay na si KC Concepcion sa kanyang French boyfriend na si Pierre Plassart dahil mula buwan ng Mayo ay hindi na nagpo-post ng picture tungkol sa kanila ang anak ni Megastar.

The post KC,Pierre break na appeared first on Abante News Online.

kcpierre break na - KC,Pierre break na
Abante kc pierr - KC,Pierre break na

Marami ang nalungkot dahil pakiramdam nila ay hiwalay na si KC Concepcion sa kanyang French boyfriend na si Pierre Plassart dahil mula buwan ng Mayo ay hindi na nagpo-post ng picture tungkol sa kanila ang anak ni Megastar.

Nagkasakit nga kama-kailan si KC, at nag-post siya ng kanyang brunch in bed, pero hindi nito nabanggit ang French boyfriend.

In fact, sinabi pa nga niya na “single lady” siya sa kanyang post.

“There are times we single ladies probably wish we had someone by our side at home,” sabi ng aktres.

S­unod-sunod naman ang tanong ng maraming fan kung single na ba talaga si KC, at hiwalay na ba talaga sila ng kanyang boyfriend na foreigner?

Marami ring mga fan ang dinipensahan ang kanilang idolo, at sinabing ang salitang ‘single’ ay katumbas ng ‘hindi kasal’ o ‘wala pang asawa.’

Sumagot naman si KC sa mga nang-iintriga sa kanya at sinabing, “A little privacy please.”

Well, sa sagot ni KC na ganyan, madali naman niyang sabihin na ‘hindi pa sila hiwalay’ ni Pierre, ‘di ba? Pero mas pinili niyang itikom ang kanyang bibig.

Anyway, heto ang kabuuan ng post ni KC: “Brunch in bed. I truly believe that the people and energy you surround yourself with can either hurt, or heal you.

“Living on my own, I nursed myself for a full week to get through the seasonal flu. These are the times we single ladies probably wish we had someone by our side at home. All natural meds and unexpected homecooked Asian meals from my friends, aunt, fans and agent are helping me recover super fast. It’s really about how much Love surrounds you!!! I’m touched ok and super grateful PS I’ll make today the last day of breakfast in bed for a while cuz there’s danger in getting used to this! Be well, beautiful people!” (Athena Yap)

The post KC,Pierre break na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *