KC tinawag na ‘taba’, pumalag

Si KC Concepcion na yata ang may pinakamagandang balat sa showbiz. Namangha ang mga follower ni KC sa Instagram photo niya na kuha sa abroad.

The post KC tinawag na ‘taba’, pumalag appeared first on Abante News Online.

kc tinawag na taba pumalag - KC tinawag na ‘taba’, pumalag
ABANTE kc - KC tinawag na ‘taba’, pumalag

By Rey Pumaloy

Si KC Concepcion na yata ang may pinakamagandang balat sa showbiz. Namangha ang mga follower ni KC sa Instagram photo niya na kuha sa abroad.

Tirik ang araw at banat ang buhok ni KC. Walang filter ang photo at kitang-kita ang facial skin niya. At yes, wala ni isa mang butas o pores na pinanggalingan ng pimples o anumang skin imperfection ang panganay ni Megastar Sharon Cuneta.

Powder lang at lipstick ang nakalagay sa mukha ng dalaga. In love na in love ang mga follower ni KC sa sinasabi nilang “flawless skin” at mukhang malambot na texture ng balat nito.

Pero isa sa follower nito ang sumira ng mood ng magandang comment thread sa post ni KC. Pinuna ng follower/basher ang pigura ni KC na hindi naman nakikita sa larawan. Tinawag niya itong “taba” ng tatlong beses. At sumagot naman si KC na:

“@ynesaguirre08 Happy ka na sa ginawa mong yan?”
Mukhang ang trabaho ng basher ay laitin at inisin ang mga artista. Siya rin kasi ang nanlait sa mga stretch mark ni Andi Eigenmann.

The post KC tinawag na ‘taba’, pumalag appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *