KC super react sa ‘balikan’ kay Piolo

Dahil parang sa The Farm at San Benito na nakatira si KC Concepcion sa tagal na niyang nagi-stay sa mamahaling healing at detox place na ito, tila bisita na tuloy niya ang ilang dumarating para magbakasyon lang ng ilang araw.

The post KC super react sa ‘balikan’ kay Piolo first appeared on Abante.

kc super react sa balikan kay piolo - KC super react sa ‘balikan’ kay Piolo
kc 6 - KC super react sa ‘balikan’ kay Piolo

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - KC super react sa ‘balikan’ kay PioloDahil parang sa The Farm at San Benito na nakatira si KC Concepcion sa tagal na niyang nagi-stay sa mamahaling healing at detox place na ito, tila bisita na tuloy niya ang ilang dumarating para magbakasyon lang ng ilang araw.

Kasama si Moi, ang P.A. ni Piolo Pascual na naging artista na ng grupo ni Ms. Pinky Tobiano, Martin Nievera nang i-meet nila si KC sa The Farm.

Nag-post si Moi na kasama si KC sa series ng IG stories. Nagkakatuksuhan pa na since nandoon si Moi, sino raw ang kasunod. Natatawang napa- “Hala! na lang si KC.

Tinutukso rin ni Moi si KC na ang sexy naman daw nito. Kaya raw pala ito nasa The Farm, nagpapa-sexy.

Dahil sa post na ito ni Moi, tila nabuhay ang dugo ng mga PJKC fans. Napasaya raw silang lahat ni Moi at umaasang susunod nga raw si Piolo sa mga ito. Umaasa rin ang mga ito ng tila pagbabalikan between KC and Piolo. Na sabi nga ng ilang comments, “Road to forever na.” “Bakit kinikilig ako? May forever!”

Bettina, Mikki pakakasal na

Hindi na kami magugulat kung ang mga susunod na posting ni Bettina Carlos ay kasal o ikakasal na ito sa kanyang present non-showbiz boyfriend.

Matagal na ngang ipinagdasal ni Bettina kung ipagkakaloob pa nga sa kanya ng Diyos ang makakatuwang sa buhay. Yung mamahalin din talaga ang anak niya na si Gummy na tunay na anak nito. Hindi na active si Bettina sa pag-arte, puro hosting at ang business niya na lang muna ang ginagawa niya para mas makapag-focus sa kanyang anak.

Nabanggit na dati ni Bettina ang boyfriend na si Mikki, pero nasa proseso pa raw sila na ipinagpi-pray ang will ni Lord sa kanila. Sa pagiging open niya ngayon about his relationship, isa lang ang sigurado, okay na ang lahat sa kanila.

Maraming nai-inspire kay Bettina kung paano siya sa kanyang faith. At kung paano rin niya itinuring na totoong kapamilya na ang yaya ng anak na si Gummy. At isa rin daw ito sa nagustuhan niya sa boyfriend, nang tanggapin din nito ang yaya nila.

Sey ni Bettina, “One of the things I truly appreciate about Mikki is how he has embraced my family in all its uniqueness- my being a solo parent and having help who is family to us-who sits down with us during meals, whom we wait for to sit down so we can pray before we begin eating and who is involved in our conversations and discussions.

“Thank you for embracing Yatch too, Love. Thank you for chatting with her, getting to know her also, appreciating her, thanking her for helping prepare our food and including her in our photos and meal prayers.2764 - KC super react sa ‘balikan’ kay Piolo (kaya botong boto siya sayo eh! Hahaha!”

The post KC super react sa ‘balikan’ kay Piolo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *