KC, Ruffa sumugod, umayuda sa Cagayan

Nang datnan ko sa White Plains house nila si Ruffa Gutierrez noong Sunday afternoon, wala siyang naikuwentong may charity relief operation siyang sasamahan kahapon papuntang Cagayan Valley.

The post KC, Ruffa sumugod, umayuda sa Cagayan first appeared on Abante.

kc ruffa sumugod umayuda sa cagayan - KC, Ruffa sumugod, umayuda sa Cagayan
kc 10 - KC, Ruffa sumugod, umayuda sa Cagayan

Jun Lalin Anything Goes 42 3 300x200 - KC, Ruffa sumugod, umayuda sa CagayanNang datnan ko sa White Plains house nila si Ruffa Gutierrez noong Sunday afternoon, wala siyang naikuwentong may charity relief operation siyang sasamahan kahapon papuntang Cagayan Valley.

Badly hit ng Typhoon Ulysses ang nasabing lugar.

Ang businesswoman/philanthropist na si Chemist Pinky Tobiano ang nagkuwento sa akin yesterday morning na makakasama nga nila si Ruffa.

Nang i-text ko si Ruffa, sinabing on the way na sila ng mga anak na sina Lorin at Venice papunta sa hangar kung saan naroroon ang tatlong planes na sasakyan ng grupo nila pa-Cagayan Valley.

Si Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson ang isa sa kasama nila kahapon, pati si KC Concepcion at ilang friends, na pupunta sa Cagayan Valley.

Biglaan daw ‘yon, sabi ni Pinky.

Bale Care and Share Program ‘yon ng “Grateful Tuesdays” online show nina Pinky at Yeng Constantino at ilan sa mga dala nila kahapon ay canned goods, water, blankets at kung anu-ano pang makakatulong sa mga kababayan natin sa lugar na ‘yon.

As of this writing (10:30AM yesterday), hindi pa sila nakakaalis ng Maynila dahil sabi ni Pinky, “Kasi Tuguegarao airport, closed pa. We’re all waiting.”

Kasama nga rin pala sa group nila kahapon si Juanch Robles na mister ni Pinky, ang owner ng The Farm at San Benito na si Raj at ang owner ng Mega Sardines na si Michelle Tiu Lim.

Sabi ni Ruffa sa text niya sa akin, tatlong destinations daw sa Cagayan Valley ang pupuntahan nila.

Ang saya lang, Dondon (my dear editor), na marami talaga ang nag-e-effort na tumulong para sa mga kababayan natin na nasalanta ni Typhoon Ulysses.

SNL naging ‘Sunday Noontime Replay’

Maaga sa studio ng “Sunday Noontime Live (SNL)” noong Sunday si Kokoy de Santos para sa TV5 musical show na pinangungunahan ni Piolo Pascual.

Isa kasi ang “Stay-In Love” star sa mga guest sa sana ay live show ng “Sunday Noontime Live (SNL)”, pero dahil sa technical problem, nag-replay na lang sila at ang biruan nga, naging “SNR” daw ang nasabing show o “Sunday Noontime Replay.”

Pero wala namang magawa ang mga taga-Brightlight Productions dahil hindi naman nila ginustong magka-technical problem, huh!

Anyway, nag-taping naman sila, kaya hindi rin nasayang ang effort ng lahat ng mga nasa studio.

Si Kokoy raw, bukod daw sa live sana ay may taping din talaga.

Ganoon naman kasi ang ginagawa nila, kapag nag-live, may taping din after.

The post KC, Ruffa sumugod, umayuda sa Cagayan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *