KC kabog ni Sharon sa patambukan ng wetpaks

Nagpaligsahan sa palakihan ng wetpaks ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa kanilang bakasyon.

The post KC kabog ni Sharon sa patambukan ng wetpaks first appeared on Abante.

kc kabog ni sharon sa patambukan ng wetpaks - KC kabog ni Sharon sa patambukan ng wetpaks
abante sharon cunete - KC kabog ni Sharon sa patambukan ng wetpaks

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 2 300x180 - KC kabog ni Sharon sa patambukan ng wetpaksNagpaligsahan sa palakihan ng wetpaks ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa kanilang bakasyon.

Nagbalandra si Sharon ng kanyang puwet sa video na pinoste nito sa Instagram. Nakadapa si Sharon sa ibabaw ng tubig habang nag-snorkeling.

Lulutang-lutang ang puwet ng megastar sa suot nitong black one piece bikini. Kinukunan siya ng mga anak na hindi niya alam sa posisyong nakahambalang sa kamera ang kanyang puwet.

Samantala, patagilid naman ang pagkaka-anggulo ni KC ng pagbalandra niya ng puwet sa Instagram photo posting niya.

Nakaupo si KC sa puting buhangin habang nakatalikod sa kamera.

Sapat na ang pagkakaangat ng katawan ng dalaga sa anggulo niya para malantad ang kanyang puwet sa pink bathing suit na suot nito, at ang malaman niyang legs.

Dahil genes ni Sharon ang nakatanim sa katawan ni KC, walang dudang namana ng huli ang asset ng ina.

Sa puntong ito, mas kabog ni Sharon ang anak sa palakihan ng puwet at patambukan.

Hindi naman itinanggi ni Sharon na may mga stretch marks din siya dulot ng pagtaba niya, pero ipinagmamalaki nito ang pagkakaroon ng magandang skin complexion.

Kili-kili ni Darren pinagnasaan

Nabulabog ang mga fan, netizen kay Darren Espanto sa isang video appreciation ad nito ng beauty product na Beautederm. Sa nasabing video na pinoste ng Fil-Canadian Kapamilya star sa Instagram, ipinapakita ni Darren ang paggamit niya ng underarm spray.

Parang mga bulateng binudburan ng asin ang mga beki at babae nang malantad ang kili-kili ng posing singer.

Mistulang balahibong pusa ang itsura ng mga buhok sa kili-kili ni Darren, na siyang nagpakilig, nagpatakam, nagpalaway sa kanyang mga fan.

Bukod sa maputi at makinis ang kili-kili ni Darren, parang sinuklay ang maayos na pagkakapuwesto ng mga buhok sa kanyang underarm.

Sinamahan pa ito ng binatilyo ng kanyang pamatay na mga ngiti at kaguwapuhan na ngayon ngayon pa lang namumukadkad.

Kaya talaga namang pinagnasaan ng madla si Darren lalo at unti-unti na ngang lumalabas ang kaguwapuhan at kamachohan nito.

Ang iba, halos hindi makapaniwalang binata na ang dating totoy singer na kailan lang ay uhugin pa.

Pero sa itsura nito ngayon, nakakapatid-uhaw na ang kanyang sex appeal.

‘Tagpuan’, ‘Magikland’ pasok sa ‘best movies of 2020’

Isang magandang balita ang nagpakulay ng mundo nitong nakaraang araw kay Q.C. Rep. Alfred Vargas. Kabilang ang MMFF-2020 movie niyang “Tagpuan” sa 11 best movies of 2020 ng Cinema Escapist.

Isang international web publication na nagpi-feature ng mga magaganda at quality films sa buong mundo ang Cinema Escapist.

Ang founder-editor in chief nito ay nakabase sa California at ang co-founder nito ay sa China.

Kinabibilangan ito ng ilang mga iba’t ibang technical specialists at bigating international caliber writers.

Sa papamagitan ng kanyang tweet nagpasalamat si Alfred sa nasabing web publication sa recognition sa kanyang pelikula.

Ang ilan pa sa mga 11 Best Pinoy Films ng 2020 ay ang Block Z, The Boy Foretold by the Stars, Magikland, Nightshift, Midnight in a Perfect World, Babae at Baril, Death of Nintendo, On Vodka, Beers and Regrets, Watchlist at Fan Girl.

The post KC kabog ni Sharon sa patambukan ng wetpaks first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *