KC gustong ‘paampon’ kay Goma sa Ormoc

Ang cute ng chikahan nina KC Concepcion at Ormoc Mayor Richard Gomez sa ginanap na Kitchen Collab nila sa Instagram. Ang bongga rin kasi ng niluto nila, Shrimp Gambas at Caesar Salad.

The post KC gustong ‘paampon’ kay Goma sa Ormoc first appeared on Abante.

kc gustong paampon kay goma sa ormoc - KC gustong ‘paampon’ kay Goma sa Ormoc
Kc Concepion - KC gustong ‘paampon’ kay Goma sa Ormoc

Ang cute ng chikahan nina KC Concepcion at Ormoc Mayor Richard Gomez sa ginanap na Kitchen Collab nila sa Instagram. Ang bongga rin kasi ng niluto nila, Shrimp Gambas at Caesar Salad.

Ang husay-husay nga sa kusina ni Goma, at kahit sa video mo lang nakikita, magugutom ka na, dahil mukhang masarap talaga.

Ramdam din na sobrang kampante ni KC kay Goma, na ex-boyfriend din ng kanyang mama, si Sharon Cuneta.

Anyway, aliw na aliw si KC nang hanapin niya si Juliana Gomez (anak nina Goma at Cong. Lucy Torres), dahil ang sagot ni Mayor Goma, nasa river raw ito.

Nakaramdam ng inggit si KC, at gusto nga niyang magpunta, o tumira rin sa Ormoc, ha! Bet niyang gumawa ng travel episode, na kung saan ay lilibutin niya ang Ormoc, at ipakikita ang magagandang tanawin, pasyalan doon.

“Ormoc is the city of the beautiful people, bagay ka rito!” sabi naman ni Goma kay KC.

“Wow, thank yo Tito!” sagot naman ni KC.

Yes, gusto ngang magpaampon ni KC kay Goma, kahit ilang buwan lang, na tulad nga nang ginagawa niyang pagtira ngayon sa farm sa Batangas. (Dondon Sermino)

The post KC gustong ‘paampon’ kay Goma sa Ormoc first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *