KC, Gabby magsasama sa TV5 sitcom

Sa Instagram ay may nagtanong kay KC Concepcion kung if ever na magbalik siya sa telebisyon, kung gagawa siya ng project, sino ang type niyang makasama.

The post KC, Gabby magsasama sa TV5 sitcom first appeared on Abante.

kc gabby magsasama sa tv5 sitcom - KC, Gabby magsasama sa TV5 sitcom
abante concepciopn - KC, Gabby magsasama sa TV5 sitcom

dondon sermino 5 - KC, Gabby magsasama sa TV5 sitcomSa Instagram ay may nagtanong kay KC Concepcion kung if ever na magbalik siya sa telebisyon, kung gagawa siya ng project, sino ang type niyang makasama.

Ang tatay niyang si Gabby Concepcion ang sinagot niya. Cute nga raw ang dating kung magsasama sila ng tatay niya sa isang sitcom.

Oo nga naman, ang cute ng dating na ang ‘groovy’ pa rin ni Gabby, o tatay na groovy ang role niya, na makikita sa kanyang mga YouTube content, at isang sosyalera na anak ang role ni KC. Kumbaga, medyo malapit sa reyalidad lahat.

Di ba nga, naranasan ni Gabby na mabuhay sa kanyang rest house/resort sa Batangas na siya lang mismo ang nag-aasikaso sa sarili niya, nagha-harvest ng mga gulay, nagluluto ng pagkain niya, nagbubutingting ng mga gamit sa bahay niya. Bongga rin kung ganoon ang role niya.

Anyway, possible ngang matupad `yon, lalo na at isa nga raw sa ipoprodyus ni former Congressman Albee Benitez sa TV5 ay isang sitcom, na ang bida ay sina Gabby at KC.

Si Gabby at malapit na kaibigan ni Mr. Benitez. Di ba nga, nagplano silang gumawa ng malaking pelikula noon, na kasama pa dapat si Sharon Cuneta, pero hindi nga natuloy.

Star studded sana ang movie na `yon, dahil isasama rin ang iba pang bigating artista. Pero, hindi nga natupad.

At ngayong desidido si former Cong. Benitez sa pagprodyus ng mga TV show sa TV5, malaki ang chance na maganap nga `yon, na mapanood sa isang TV project sina KC at Gabby.

Yes, please, ang wish ng mga fan. Si KC na parang sanay na sanay na nga ngayon na magpatawa, at makikita `yon sa mga nakakaaliw niyang kitchen collab sa kanyang YouTube channel.

Concepcion hindi nakikipag-date kay Pascual

Sa ‘ask me a question’ portion ng Instagram Live ni KC Concepcion, sunod-sunod ang mga tanong tungkol sa love life niya.

‘Yes!’ ang sagot ni KC sa tanong kung ‘single’ siya ngayon.’

‘Nope sorry…” ang sagot niya sa tanong na ‘Is it true that you’re dating Piolo?”

Oh, ayaw malinaw na, ha! Galing na mismo kay KC ang sagot, na hindi sila nagdi-date ni Piolo, at single siya ngayon. So, wag nang ipilit pa ang hindi naman totoo.

Ang dami-rami kasing chika sa YouTube ng mga vlogger na wala namang koneksyon o alam sa showbiz, ang pilit na pinalalabas na nagkabalikan sina Piolo at KC, kahit hindi naman totoo, at wala ngang pruweba.

The post KC, Gabby magsasama sa TV5 sitcom first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *