Kaye Abad mas type magpabuntis kesa magbalik-showbiz

Malabong maging full time si Kaye Abad sa pag-arte, lalo at hindi pa niya maiwan talaga ang kanyang anak. May special participation si Kaye sa lalabas na seryeng “Nang Ngumiti Ang Langit” na pinagbibidahan ng child star na si Sophia Reola.

The post Kaye Abad mas type magpabuntis kesa magbalik-showbiz appeared first on Abante News Online.

kaye abad mas type magpabuntis kesa magbalik showbiz - Kaye Abad mas type magpabuntis kesa magbalik-showbiz
Abante 2019 Kaye Abad - Kaye Abad mas type magpabuntis kesa magbalik-showbiz

Malabong maging full time si Kaye Abad sa pag-arte, lalo at hindi pa niya maiwan talaga ang kanyang anak. May special participation si Kaye sa lalabas na seryeng “Nang Ngumiti Ang Langit” na pinagbibidahan ng child star na si Sophia Reola.

Sa trailer, pinatay agad si Kaye sa istorya bilang ina ni Sophia na gaganap na “Mikmik”. Inamin ni Kaye na hindi pa buo ang loob niyang balikan nang todo ang telebisyon dahil ayaw niyang iwan ang anak na nasa Cebu, kasama ang mister nyang si Paul Jake Castillo.

Pumayag si Paul Jake na balikan niya ang trabaho sa telebisyon pero maiiwan sa Cebu ang kanilang anak, na ayaw ngang mangyari ni Kaye.

Isa pa, wino-work out ngayon nina Kaye at Paul ang pagkakaroon nila ng “Baby No. 2”, na ang ibig sabihin ay gusto na nilang masundan ang kanilang baby boy.

Gusto ni Kaye na mabuntis uli habang may kakayahan pa siyang magdala ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Eh, 36 years old na nga ang aktres.
At siya nga ang nagsabi sa panayam ng “Aban­telliling” namin ni Dondon Sermino, na “hindi naman ako bata.”

Hanggang guestin­g lang muna sa mga anthology ng Kapamil­ya network si Kaye, at kahit pelikula ay hindi muna niya mahaharap talaga.

Anyway, hindi naman mabibigo ang mga tagahanga ni Kaye sa small participation niya sa serye, dahil ibinigay rin niya ang husay sa mga dramatic moments nila ni Mikmik. (Rey Pumaloy)

The post Kaye Abad mas type magpabuntis kesa magbalik-showbiz appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *