Kay Leni ibigay! – Agot: Mark Ruffalo tutulong sa mga biktima ni Rolly

Posibleng magpadala ng donasyon si Mark Ruffalo, kasama ang iba pang Hollywood star, sa Pilipinas, para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly. Yan ay kung pagbabasehan ang kanyang tweet mula sa ni-retweet niyang post ni Greg Diamond na nagbalita sa pagpasok ng bagyong Rolly (Goni international name).

The post Kay Leni ibigay! – Agot: Mark Ruffalo tutulong sa mga biktima ni Rolly first appeared on Abante.

kay leni ibigay agot mark ruffalo tutulong sa mga biktima ni rolly - Kay Leni ibigay! – Agot: Mark Ruffalo tutulong sa mga biktima ni Rolly
Agot isidro - Kay Leni ibigay! – Agot: Mark Ruffalo tutulong sa mga biktima ni Rolly

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 15 300x200 - Kay Leni ibigay! – Agot: Mark Ruffalo tutulong sa mga biktima ni RollyPosibleng magpadala ng donasyon si Mark Ruffalo, kasama ang iba pang Hollywood star, sa Pilipinas, para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly. Yan ay kung pagbabasehan ang kanyang tweet mula sa ni-retweet niyang post ni Greg Diamond na nagbalita sa pagpasok ng bagyong Rolly (Goni international name).

@gdimeweather: “Super typhoon Goni is about to slam into the Philippines as about as strong of a storm as the planet can produce….”

Tweet ni Mark Ruffalo: “Pray for our brothers and sisters in the Philippines then get ready to send donations.”

Nabahiran lang ng politika ang intensyon ng pagtulong ni Mark nang irekomenda ni Agot Isidro sa comment niya si VP Leni Robredo na siyang pagdalhan ng donasyon.

@agot_isidro: “Please send donations to the Office of Vice President @lenirobredo.”

Sumunod ang ibang mga dilawan sa pagrerekomenda kay VP Leni kalakip ang paninira nila kay PDU30.

May mga nagtanggol naman sa gobyerno at nagpasalamat sa interest na pagtulong ni Mark. Wala ni isa mang sinagot sa mga comments si Mark.

***

Farm ni Zsa Zsa sinagasaan ng bagyo

Kasama si Zsa Zsa Padilla sa mga lumikas para sa kaligtasan sa pananalasa ng bagyong si Rolly. Bago pa pumasok sa bansa ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo, lumayas na si Zsa Zsa sa kanyang farm sa Quezon.

Mapapanood sa kanyang mga vlog na ilang araw ring namalagi si Zsa Zsa sa Quezon para kunan ang iba’t ibang lugar doon at ipakita ang pamumuhay sa kagubatan.

Pero bago umalis si Zsa Zsa ay inayos muna niya at ng kanyang mga tao ang buong farm para masiguradong hindi ito gaanong masisira ng bagyo.

Malalaman sa post ni Zsa Zsa sa mga susunod na araw kung ano ang nasira sa kanyang farm ng bagyong si Rolly.

***

Kathryn seksing ghost bride

Speaking of Halloween pa rin, napuno ang socmed ng post ng mga Pinoy Celebrity sa selebrasyon. Nagsama-sama ang buong pamilya ni John Estrada pati ang mga anak nito kay Janice de Belen sa dinner.

Sanib-puwersa rin ang pamilya ni Karla Estrada sa Halloween party na dinaluhan ni Kathryn Bernardo. Kasali rin sa party sina Ria Atayde, Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Bale ghost bride ang peg nila, kaya biro ng mga fan, nakakatakot na bride si Kathryn, dahil sa make up nito at maskara. Kunsabagay, kahit ang groom na si Daniel Padilla ay mas nakakatakot, dahil pinuno niya ng dugo at tila naagnas na balat ang kanyang mukha.

Pero kahit lagyan ng make up ang mga mukha nila, ang gaganda at guwapo pa rin nila. At si Kathryn, napakaseksi pa rin talaga, lalo at halos labas ang kanyang legs, ha!

Nag-ala Elvis Presley family naman sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na nag-costume at gumawa pa ng video. Ka-join din ang dalawa nilang anak, kung saan may bitbit na gitara pa si Zion.

Mistulang “Romeo and Juliet” naman ang magkasintahang Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

The post Kay Leni ibigay! – Agot: Mark Ruffalo tutulong sa mga biktima ni Rolly first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *