Kay bilis naglaho ng panahon – John Lloyd

Kay bilis naglaho ng panahon – John Lloyd

Agad-agad ngang ikinonek ng mga fan ang Instagram post ni John Lloyd Cruz (@dumpsitegallery) sa photo na parang may kulay asul na timba, na sa loob ay may maliit na speaker, at sa gilid naman ay may isang upuang kahoy.

kay bilis naglaho ng panahon john lloyd - Kay bilis naglaho ng panahon – John Lloyd
jlc 1 - Kay bilis naglaho ng panahon – John Lloyd

Agad-agad ngang ikinonek ng mga fan ang Instagram post ni John Lloyd Cruz (@dumpsitegallery) sa photo na parang may kulay asul na timba, na sa loob ay may maliit na speaker, at sa gilid naman ay may isang upuang kahoy.

Ang caption kasi ay: “From nosi balasi to kay bilis maglaho ng panahon (minsan).”

Sabi nga, ito raw ang mga linya na bagay na bagay sa sitwasyon ni Lloydie ngayon. Na natsitsismis ngang hiwalay na kay Ellen Adarna.

Kasi nga raw nu’ng mga panahong nagsasama sila ni Ellen, ‘nosi balasi’ ang drama nila, na ‘yun nga, wala silang pakialam sa opinyon, reaksyon ng ibang mga tao, dahil oo nga, ‘sino ba sila’ na kabaligtaran nga ng ‘nosi balasi’.

At ngayon nga, ‘kaybilis maglaho ng kahapon’ dahil parang kailan lang daw, magkasama sila ni Ellen, na ini-enjoy ang buhay na malayo sa mga mata ng publiko, na magkasamang nilalabanan ang hamon ng buhay, o pakikialam ng mga taong nasanay na sumawsaw sa buhay nila nu’ng aktibo pa sila sa pag-aartista, at heto na nga ngayon, parang mabilis na naglaho ang lahat, kung totoo ngang hiwalay na sila.

Well, mukhang magbabalik-showbiz na rin si John Lloyd, ha! Nag-post nga nga siya sa IG niya ng photo na may caption na “Lav Diaz 2019”. At sabi nga rin, nagkausap na sila ni Direk Cathy Garcia-Molina, at nagbabalak silang gumawa ulit ng pelikula?

So, abang-abang na lang ang mga fan, ha! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *