Katrina napraning sa taping

Aminado si Katrina Halili na nanibago siya sa pagbabalik-taping para sa upcoming fresh episode ng Wish Ko Lang!

katrina napraning sa taping - Katrina napraning sa taping
abante kat - Katrina napraning sa taping

Aminado si Katrina Halili na nanibago siya sa pagbabalik-taping para sa upcoming fresh episode ng Wish Ko Lang!

“Nakakapraning kasi first time ko ma-expose ulit. Four months na nasa bahay lang,” say ni Katrina.

“Nakakapanibago rin sa set dahil may safety protocols na ok naman para safe ang lahat.”

Sure kami na na-miss rin nang husto ni Katrina ang pag-arte sa harap ng camera. Lalo pang naging special ang balik-trabaho niya dahil makakasama niya ang Prima Donnas co-star na si Elijah Alejo sa episode ng Wish Ko Lang!

“Na miss ko si Elijah! Nung taping na kami talaga nagkita, nakakatuwa at nagkaroon kami ng chance na magkasama sa taping ng Wish Ko Lang!” share ni Katrina.

Makakasama rin ni Katrina sa Sabado sina Kim Rodriguez, at ang bagong Kapusong si Luis Hontiveros. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *