Katrina nagpapaseksi para sa bagong dyowa?

In love raw ba si Katrina Halili? Bakit daw tila inspirado ito ngayon na magpa-sexy pa?

The post Katrina nagpapaseksi para sa bagong dyowa? appeared first on Abante News Online.

katrina nagpapaseksi para sa bagong dyowa - Katrina nagpapaseksi para sa bagong dyowa?
Katrina halili - Katrina nagpapaseksi para sa bagong dyowa?

In love raw ba si Katrina Halili? Bakit daw tila inspirado ito ngayon na magpa-sexy pa?

Feeling nga ng marami, may pinagpapaseksihan si Katrina, at magandang senyales nga raw `yon, dahil sayang nga naman ang kagandahan ni Katrina, kung walang makikinabang.

Anyway, kinaiinggitan nga si Katrina dahil sa kanyang figure. Hindi kasi pahuhuli sa kaseksihan ang Kapuso actress sa kanyang mga photo sa Instagram.

Agaw-pansin ang kanyang curves sa ilang beach photos na pinost niya. Kaya naman tinuturing siyang body goals ng netizens.

Samantala sa kanyang recent post, makikita kung paano sila nag-bond ng kanyang anak na si Katie. Ayon kay Kat, nag-request ang kanyang anak na mag-swimming sila pero dahil takot itong lumangoy, panunuorin lang siya ni Katie pero kailangan niyang lumublob sa tubig.

Kahit sobrang lamig ng tubig, pinagbigyan ni Kat ang request ng anak para mapasaya ito. Good job, Kat!

Anyway, excited na ang kanyang mga fan dahil balita namin ay may upcoming show si Kat sa GMA. Abangan ang announcement nito very soon. (Dondon Sermino)

The post Katrina nagpapaseksi para sa bagong dyowa? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *