Katrina Llegado apektado ng gulo sa Bolivia

Sunod-sunod ang eksena (kamalasan ba?) na nagaganap ngayon sa mga beauty queen natin, ha!

katrina llegado apektado ng gulo sa bolivia - Katrina Llegado apektado ng gulo sa Bolivia
katrina 1 - Katrina Llegado apektado ng gulo sa Bolivia

Dondon Sermino Paistaran 36 336x224 - Katrina Llegado apektado ng gulo sa BoliviaSunod-sunod ang eksena (kamalasan ba?) na nagaganap ngayon sa mga beauty queen natin, ha!

Matapos nga ng nangyari kay Samantha Ashley Lo na lumaban, natalo sa Miss Grand International sa Venezuela, heto at si Katrina Llegado, na representative ng Pilipinas sa Reina HispanoAmericana, ang nasalang sa panibagong problema.

Si Winwyn Marquez ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng titulong Reina HispanoAmericana nu’ng 2017. At ngayong 2019, marami nga ang nagsasabi na baka masungkit ulit ang naturang korona ng ating pambato na si Katrina.

Pero ‘yun na nga, pansamantalang kanselado ang beauty pageant na ito dahil na rin sa kaguluhan sa bansang Bolivia, na pinagdarausan ng Reina HispanoAmericana.

“See you again, Bolivia!” sabi ni Katrina sa IG niya habang hawak ang bandera ng Pilipinas sa airport ng Bolivia.

“Your people are both beautiful and tough. I admire the strength of your conviction. I humbly ask for prayers for Bolivia. Pray for protection, peace, and justice.

“For those who are asking, I will be in Toronto to spend meaningful time with my loved ones.

“Tuloy pa din ang Laban, FILIPINAS. #KatReina #ReinaHispanoamericana2019 #RHA2019 #MissFilipinas #AcesAndQueens.”

Anyway, wala pang iniaanunsiyo kung kailan matutuloy ang beauty pageant na ito. Pero marami nga ang natuwa sa desisyon ng mga organizer ng contest na ito, dahil mas inuna nila ang kaligtasan ng mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kylie wala nang kawala kay Jake

“Ain’t letting you go @kylieverzosa!” ang buong tamis na mensahe ni Jake Cuenca sa dyowa niyang si Kylie Verzosa, na sa photo nga ay tila binabakuran ng mga bisig niya ang buong katawan, leeg nito.

‘Hindi na kita pakakawalan’ nga ang gustong igiit na mensahe ni Jake sa kanyang napakaganda, napakaseksing dyowa.

Siyempre, nganga na naman ang mga umaasam, o mga nagpapantasya na mapapasakanila ang dalawa.

‘Don’t ever let her go!’ ang chika naman ng karamihan sa mga kaibigan nila na super suporta sa relasyon nila.

Pero, ang tanong, kelan nga ba magpapakasal ang dalawa? Para masabing wala na talagang kawala ang beauty queen kay Jake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *