Kathryn, Vice Ganda mga ‘Top Celeb’ sa Twitter

Kathryn, Vice Ganda mga ‘Top Celeb’ sa Twitter

Sina Vice Ganda at Kathryn Bernardo pa rin ang mga pinakasikat na personalidad sa Twitter nitong nakaraang buwan ng April-June, base sa inilabas na resulta ng Twitter Philippines.

The post Kathryn, Vice Ganda mga ‘Top Celeb’ sa Twitter appeared first on Abante News Online.

kathryn vice ganda mga top celeb sa twitter - Kathryn, Vice Ganda mga ‘Top Celeb’ sa Twitter
vice kath - Kathryn, Vice Ganda mga ‘Top Celeb’ sa Twitter

Sina Vice Ganda at Kathryn Bernardo pa rin ang mga pinakasikat na personalidad sa Twitter nitong nakaraang buwan ng April-June, base sa inilabas na resulta ng Twitter Philippines.

Number one pa rin si Kathryn bilang Top Female Celebrity sa Twitter, na sinundan nina Maris Racal, Sue Ramirez, Anne Curtis, G­retchen Ho, Alex Gonzaga, Maymay Entrata, Sharlene San Pedro, Maine Mendoza, Saab Magalona.

Si Kathryn ay may 9.3 million na follower sa Twitter. At masipag din mag-tweet ang batang aktres, kaya masipag din mag-retweet ang mga fan niya, at mag-reply sa kanya.

Si Vice Ganda naman ay wala pa ring kupas sa Twitter. Siya pa rin ang Top Male Celeb sa Twitter, ha. Na sinundan lang nina Donny Pangilinan, Kyle Echarri, Charles Kieron, Alden Richards, Joshua Garcia, Bullet Dumas, Atom Araullo, Marlo Mortel, at TJ Monterde.

Si Vice Ganda ay may 12.4 million na follower sa Twitter. At tama lang naman na siya pa rin ang tanghaling Top Male Celeb, dahil super sipag ni Vice Ganda na ipahayag sa Twitter ang mga nararamdaman niya, hindi lang tungkol sa showbiz, kundi pati na rin sa problema sa lipunan.

Anyway, ang bonggang ‘engagement’ ang pinagbasehan ng survey, ra-ting na ito ng Twitter Philippines. (Dondon Sermino)

The post Kathryn, Vice Ganda mga ‘Top Celeb’ sa Twitter appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *