Kathryn superstar sa Cambodia

Abot hanggang Cambodia ang malaking fan base ni Kathryn Bernardo nang salubungin siya ng mga ito sa mga screening na kanyang dinaluhan kasama ni Alden Richards para sa pelikulang “Hello Love Goodbye.”

kathryn superstar sa cambodia - Kathryn superstar sa Cambodia
kath 11 - Kathryn superstar sa Cambodia

Abot hanggang Cambodia ang malaking fan base ni Kathryn Bernardo nang salubungin siya ng mga ito sa mga screening na kanyang dinaluhan kasama ni Alden Richards para sa pelikulang “Hello Love Goodbye.”

“Ang dami mong fans dito, region wide superstar ka na,” pangungutsa ng Star Cinema AdProm Head na si Mico del Rosario kay Kathryn sa isang video na kumalat sa social media.

Base din sa naturang video, narinig ang malakas na pagtawag ng fans kay Kathryn ng ‘Mara,’ ang kanyang karakter sa kauna-unahan niyang pinagbidahang serye na “Mara Clara”.

Nagpasalamat naman si Kathryn sa mga taong tumulong sa pagdadala ng kanyang mga palabas at pelikula tulad ng “The Promise” o “Pangako Sa ‘Yo,” “Mara Clara,” “The Hows of Us” sa Cambodia. Kung hindi dahil sa mga ito, hindi naman siya makikilala sa bansa.

Hindi na nga mapipigilan ang pamamayagpag ni Kathryn dahil hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin ang kanyang blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye” dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang parte ng mundo. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *