Kathryn sinayang ang ‘moment’

Ang bongga ng EDDYS Choice ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) dahil talagang walang lea-kage, huh!

The post Kathryn sinayang ang ‘moment’ appeared first on Abante News Online.

kathryn sinayang ang moment - Kathryn sinayang ang ‘moment’
Abante Kathryn Bernardo - Kathryn sinayang ang ‘moment’

abante anything goes jun lalin 336x224 - Kathryn sinayang ang ‘moment’Ang bongga ng EDDYS Choice ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) dahil talagang walang lea-kage, huh!

Mahigpit kasi ang Chan, Robles and Company na official tabulator nila headed by Mr. Juan Carlos Robles, kaya kahit on-going na sa The New Frontier Theater ang kanilang awarding ceremony noong Sunday ay hindi pa rin talaga lumabas kung sino-sino ang magwawagi.

Actually, pati nga ang SPEEd members, hindi alam kung sino-sino ang winners nila sa kanilang 3rd EDDYS, huh!

Kaya nga si Kathryn Bernardo na winner ng best actress dahil napagod sa two mall shows para sa movie niya under Star Cinema ay hindi na nakapunta, kaya hindi tuloy niya personal na natanggap ang trophy, huh!

Sayang na sayang nga ang pagkakataon na malasap niya ang kanyang panalo, ‘noh?! Kung may leakage lang, sana ay may nakapagbulong na kay Kathryn na kahit pagod siya sa two mall shows niya ay pumunta siya sa New Frontier Theater dahil mananalo nga siyang best actress.
Well…

Ruffa na-wow mali, ibang maleta ang nabitbit sa airport

Naku, Dondon, ‘kaloka talaga si Ruffa Gutierrez dahil nang dumating sa Los Angeles, California noong umaga ng Sunday (madaling-araw sa atin ng Lunes), nagkamali pa ng nakuhang luggage.

Akala niya ay tama ‘yung purple luggage na nakuha niya, pero mali pala at hapon na nang malaman niya ang pagkakamali, kaya naghanap pa siya ng contact ng Cathay Pacific Airlines.

Mabuti na lang at mabilis sumagot sa Twitter ang nasabing airline kaya na-locate ang tamang luggage niya at bumalik kami sa airport para kunin ‘yon at ibalik ang ma-ling luggage na nadala niya.

Anyway, masaya si Ruffa dahil maghapon silang nag-bonding ng panganay niyang anak na si Lorin Gutierrez-Bektas.

That morning, from the airport, dumeretso na kami sa Four Seasons Hotel sa Doheny Drive sa Beverly Hills sa imbitasyon ng friend namin na si Ms. Ludivina Leelim-Nacionales.

Bale advance birthday treat ‘yon kay Lorin na magsi-16 years na on August 3.

Very emotional nga si Ruffa nang dalhan ng waiter ng birthday cake si Lorin. Parang kailan lang daw kasi nang ipinagbubuntis pa lang niya ang kanyang panganay.

Nang umalis na kami, nadaanan naman namin ang Cedar Sinai Hospital kung saan ipinanganak si Lorin, kaya lalong naging emotional si Ruffa.

Magkasama naman silang nagpunta sa Beverly Center mall at nag-enjoy sa pamimili at after ay inihatid na namin si Lorin sa UCLA dorm nito.

Gustuhin man ni Ruffa na ihatid sa taas si Lorin, hindi allowed sa dorm ang outsiders, kaya teary-eyed siya na nagpaalam sa anak.

On our way to UCLA nga pala ay pinag-usapan ng mag-ina ang tungkol sa pagka-college ni Lorin two years from now.

Sabi ni Ruffa, parang hindi niya kaya na mag-aral abroad si Lorin dahil matagal itong mawawalay sa kanya, pero wala nga raw siyang magagawa kung ‘yon man ang maging desisyon ng kanyang panganay.

The post Kathryn sinayang ang ‘moment’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *