Kathryn nilunod sa kaligayahan ni Daniel

Nilunod ni Daniel Padilla sa kaligayahan ang kasintahang si Kathryn Bernardo sa nakaraang ABS-CBN Ball 2019. Ngayon lang pinost ni Kathryn ang iba pang mga larawan na kuha sa nasabing charity event ng Kapamilya network, at isa na nga rito ay ang mga picture na nagpakilig sa kanya nang todo at nagpaapaw ng kasiyahan sa kanyang puso sa importansya at pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng kasintahang si Daniel.

kathryn nilunod sa kaligayahan ni daniel - Kathryn nilunod sa kaligayahan ni Daniel
kathryn 2 - Kathryn nilunod sa kaligayahan ni Daniel

Nilunod ni Daniel Padilla sa kaligayahan ang kasintahang si Kathryn Bernardo sa nakaraang ABS-CBN Ball 2019. Ngayon lang pinost ni Kathryn ang iba pang mga larawan na kuha sa nasabing charity event ng Kapamilya network, at isa na nga rito ay ang mga picture na nagpakilig sa kanya nang todo at nagpaapaw ng kasiyahan sa kanyang puso sa importansya at pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng kasintahang si Daniel.

Ibinahagi ni Kathryn sa Instagram ang mga photo at video ng maraming bouquet of flowers na ipinadala sa kanya ni Daniel sa hotel room niya bago pa siya bumaba sa Ball.

Sa caption, nagpahayag si Kathryn ng malaking kasiyahan niya sa gesture ni Daniel at sa pagpapakita ng pag-ibig nito sa kanya.

Walong taon na raw siyang pinapakilig ni Daniel. At alam daw nito kung paano siya paulit-ulit na pinapaibig.

“He knows how much I love receiving flowers but I didn’t expect to be showered with so many bouquets waiting for me at my hotel room. This guy knows exactly how to make me fall in love again and again! This is our 8th ball together and it amazes me how he doesn’t change at all. In fact, he just keeps getting better and better each year. Someone who makes an effort to pull a surprise for me, someone who holds my hand at the red carpet (and sometimes even fixes my dress lol), and someone who takes care of me until after the party’s over – I honestly could NEVER ask for a better date,” sabi ni Kathryn.

Naka-post rin sa wall ni Kathryn ang ilan pang mga larawan nila ni Daniel na nagpapatunay kung gaano siya inalalayan ng kasintahan at kung gaano siya kasaya. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *