Kathryn naghubad sa Instagram

Nakahubad nga ba ang teen queen na si Kathryn Bernardo sa picture na ipinost niya sa Instagram? Backless nude swimsuit kasi ang suot ng aktres, na inakala ng marami na nakahubad nga siya.

The post Kathryn naghubad sa Instagram appeared first on Abante News Online.

kathryn naghubad sa instagram - Kathryn naghubad sa Instagram
kath 7 - Kathryn naghubad sa Instagram

Nakahubad nga ba ang teen queen na si Kathryn Bernardo sa picture na ipinost niya sa Instagram? Backless nude swimsuit kasi ang suot ng aktres, na inakala ng marami na nakahubad nga siya.

Malayo kasi ang pagkakakuha ng litrato kaya sa unang tingin ay mapagkakamalang nakahubad siya. Agad ding nilimitahan ang comment section at posibleng in-avoid na rin nila ang magiging reaksyon ng mga fan o masasabi ng mga netizen kaugnay sa litratong iyon.

Pero hindi pa rin napigilan ang mga fan na pag-usapan ang litrato ni Kathryn na ‘yon, na gamit naman ang iba pang app sa social media.

Tila patuloy na iniisip o inaasahan ng mga fan kung iyong picture ba ay isa rin sa clue na sasabak na sa sexy o daring role ang aktres.

Ayon pa sa ilang mga fan, nakaka-proud daw ang bawat pag-level up ni Kathryn na kanilang nasubaybayan mula sa pagkabata hanggang sa ngayon.

Pero teka lang naman, likod pa lang naman ang nakita nila, at hindi pa ang harap, ha! At sa ganda ng career ni Kathryn ngayon, parang malabo pa naman na sumabak siya sa paghuhubad.

Oo nga at nagsu-swimsuit siya sa mga dagat na pinupuntahan niya, na tama lang naman, lalo na at pamilya naman niya ang kasama. Pero, ibang usapan na kung sa harap ng kamera niya ‘yon gagawin, ‘di ba?

The post Kathryn naghubad sa Instagram appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *