Kathryn, Liza panis kay Nadine

Nakatatlong best actress trophy na si Nadine Lustre dahil sa ipinakita ­niyang husay sa pagganap sa pelikulang “Never Not Love You”.

The post Kathryn, Liza panis kay Nadine appeared first on Abante News Online.

kathryn liza panis kay nadine - Kathryn, Liza panis kay Nadine
nadine 4 - Kathryn, Liza panis kay Nadine

Nakatatlong best actress trophy na si Nadine Lustre dahil sa ipinakita ­niyang husay sa pagganap sa pelikulang “Never Not Love You”.

Nauna nang iginawad ng Young Critics Circle Film Desk at FAMAS ang best actress award kay Nadine at kahit ano pa ang sabihin, ang Gawad Urian pa rin ang isa sa itinuturing na prestihiyosong award-giving body sa bansa.

At sa 42nd Gawad Urian ay si Nadine ang nanalo bilang best actress. Sayang nga lang at hindi ito personal na natanggap ni Nadine dahil kasalukuyan daw itong nagte-taping.

May fan video na pinost ang fan ni Nadine kunsaan, sinabi ni Nadine na dati, may nagsabi sa kanyang “she will never make it.” Pero na-prove na raw ni Nadine nang ilang beses na mali ito.

Hindi naman maiwasang ikumpara si Nadine ngayon sa mga kasabayan o kakontemporaryo niyang young actress tulad nina Kathryn Bernardo, Liza Soberano at marami pang iba. Kung pagiging actress daw ang pag-uusapan ay ang laki na ng lamang ng girlfriend ni James Reid. (Rose Garcia)

The post Kathryn, Liza panis kay Nadine appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *