Kathryn kaakit-akit ang awra sa magazine

Pinagpiyestahan ng mga fan ang pinakabagong release ng isang sikat na magazine dahil labis silang nabighani sa na­ging awra ng teen queen na si Kathryn Bernardo.

The post Kathryn kaakit-akit ang awra sa magazine appeared first on Abante News Online.

kathryn kaakit akit ang awra sa magazine - Kathryn kaakit-akit ang awra sa magazine
ABANTE kath 2 - Kathryn kaakit-akit ang awra sa magazine

By Athena Yap

Pinagpiyestahan ng mga fan ang pinakabagong release ng isang sikat na magazine dahil labis silang nabighani sa na­ging awra ng teen queen na si Kathryn Bernardo.

Kung makikita mo ang itsura ni Kathryn sa naturang cover photo ng magazine, tila isa siyang 80’s hot babe sa kanyang awra kung saan hulmang-hulma ang kanyang body shape sa kulay black na fitted, cropped top and super mini-shorts na dinagdagan pa ng fierce look ang hot vibes sa photo.

Panibagong pasabog kasi ito ng kanilang idolo. Well, pakonti-konti na nga ang paglabas ni Kathryn sa kanyang mga sexy awra na ngayon ay mas bongga at mas medyo nakakaakit ang datingan ng aktres.

Kaya naman ang tanong ng sangkatutak na mga fan, tatanggap na kaya ng mature and daring roles si Kathryn? O papayagan na kaya ito ng kanyang mga magulang sa mga nasabing role?

Well, mukhang ‘yan ang aabangan ngayon ng mga fan sa kanilang idolo.
Sa ngayon, iyon nga muna siguro ang patikim ng aktres sa kanyang level-up roles sa industriya.

The post Kathryn kaakit-akit ang awra sa magazine appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *