Kathryn humiling ng porkshop sa kasal

Yes, tama nga, humiling ng porkchop sa ‘kasal’ si Kathryn Bernardo. Pero, hindi `yon sa kasal nila ni Daniel Padilla, kundi sa kasal ng mga kaibigan nilang sina Patrick Sugui, Aeriel Garcia.

The post Kathryn humiling ng porkshop sa kasal first appeared on Abante.

kathryn humiling ng porkshop sa kasal - Kathryn humiling ng porkshop sa kasal
abnate kathryn - Kathryn humiling ng porkshop sa kasal

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 3 1 300x180 - Kathryn humiling ng porkshop sa kasalYes, tama nga, humiling ng porkchop sa ‘kasal’ si Kathryn Bernardo. Pero, hindi `yon sa kasal nila ni Daniel Padilla, kundi sa kasal ng mga kaibigan nilang sina Patrick Sugui, Aeriel Garcia.

Sina Kathryn at Daniel nga ang nanguna sa pagbibigay ng party sa ‘engagement’ nina Patrick at Aeriel. At marami nga ang naaliw sa Instagram caption ni Kathryn ng mga photo nila sa naganap na party.

“Taken from our nguYACHT adventure in celebration of @patsugui & @aeriel’s recent engagement.

“We’re right behind you in this exciting journey of yours, Pat and Ae! In sickness and in health, may porkchop man o wala. Hahaha! Love you boat!” sabi ni Kath.

“Pero mas ok parin sana yung may porkchop,” sabi ni Gabbi Garcia.

“Pls take note of this @patsugui. Tnx po,” sagot ni Kath.

“Agree din ako kay ate Gabz,” sabi naman ni Aeriel.

“@aeriel so alam nyo na sa wedding kung ano food ha?” saad ni Kath.

Ang cute, di ba? Ang sarap mapabilang sa barkada nila!

Dingdong lalong pumogi, bumango sa mga girlash

Ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera pa rin ang maituturing na pinakamabango sa mga consumer. Na ang bawat produktong ibenta nila, siguradong tumitiba talaga.

Kaya naman, bongga talaga ang Beautéderm Corporation, dahil level-up na talaga sila sa pagpapalaganap ng good vibes ngayong 2021, dahil pormal na nga nilang sinalubong si Dingdong bilang miyembro ng illustrious roster ng A-List endorsers nila bilang opisyal na brand ambassador ng Beautéderm Cristaux Supreme.

Ang Cristaux Supreme ay isang FDA-Notified product na dinadagdagan ang collagen synthesis na bumabanat at nag-moisturize ng balat; nagpapaputi ng balat; minimizes skin puffiness; alleviates eyebags; provides glass skin; at nag-defy sa pagtanda. Mainam ito sa mga edad 18 gulang pataas at ligtas para sa mga lactating mothers, at ito ay meticulously formulated at sinadya at maingat na ginawa upang maging ligtas para sa lahat ng skin types at pinakamainam itong gamitin dalawang beses sa isang araw at maaaring gamitin bilang primer sa make-up.

Si Dingdong na ilang dekada na nga sa showbiz, ay isa ngang most celebrated at most respected na aktor sa industriya. Na sa edad niya ngayon ay tila mas naging busy pa sa trabaho.

“Kailangan din naming mga lalake na alagaan ang aming balat. Beautéderm Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen at bilang isang aktor, araw-araw ko itong giangamit to maintain the youthfulness of my skin. Cristaux Supreme is really age defying,” sabi ng award-winning actor.

“I’m very much aware of the long-term effects of my work to my skin lalo na ngayong 40 na ako. I encourage every man to use an effective skin regimen like Beautéderm’s Cristaux Supreme as it will surely keep us looking fresh and youthful,” dagdag pa ni Dingdong, na kinababaliwan pa rin talaga ng mga kababaihan.

Ipinaliwanag naman ng Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang mga wondrous effects ng Cristaux Supreme.

“Dalawang taon na worth of wrinkles ang binbura ng Cristaux Supreme in just two months of regular use. Very hard-working si Dingdong at ang mahahabang oras na ginugugol niya sa set ng kanyang trabaho sa pelikula at TV will really give his face unwanted lines and wrinkles, at ang Cristaux Supreme ang pinaka-ideal na serum para sa kanyang lifestyle.”

Espesyal ang 2021 sa Beautéderm dahil minamarkahan nito ang 12th anniversary ng kumpanya at ang launch ni Dingdong bilang brand ambassador ay una pa lamang sa maraming sorporesa na inihanda ni Rhea para sa bagong taon.

The post Kathryn humiling ng porkshop sa kasal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *