Kathryn hindi payag na ipareha si Daniel kay Julia

Isang malaking oo para kay Kathryn Bernardo kung si Maymay Entrata ang makakapareha ni Daniel Padilla sa isang proyekto nang tanungin siya sa “Tonight with Boy Abunda” noong Biyernes (July 26) nang gabi.

kathryn hindi payag na ipareha si daniel kay julia - Kathryn hindi payag na ipareha si Daniel kay Julia
abante Kathryn Bernardo - Kathryn hindi payag na ipareha si Daniel kay Julia

Kay Maymay na lang:

Isang malaking oo para kay Kathryn Bernardo kung si Maymay Entrata ang makakapareha ni Daniel Padilla sa isang proyekto nang tanungin siya sa “Tonight with Boy Abunda” noong Biyernes (July 26) nang gabi.

Ipinaghiwalay nga na pansamantala ang kanilang loveteam na KathNiel para gumawa ng sariling mga proyekto. Sa Miyerkoles na nga ang s­howing ng kanyang unang film katambal si Alden R­ichards na “Hello, Love Goodbye”.
Kaya naman nagbigay si Tito Boy ng posibleng mga artistang pwedeng makapareha ni Daniel. Para kay Kathryn, hindi na raw pwede si Janella Salvador ngayong parang pinapareha na siya kay Joshua Garcia.

Si Julia Barretto naman daw ay parang bata na para kay Daniel na ang joke niya ay ‘lolo’ na ang peg. Nang lumitaw naman ang pangalan ni Nadine Lustre, sabi naman niya ay parang mas nagfo-focus na ito gumawa ng movies na siya ang bida at parang hindi naman nito kailangan muna ng mga kapareha at loveteam.

Bukod nga kay Maymay na agree na agree siya dahil naman nagsama na sila sa pelikula nila ni Alden Richards at naging kapatid na nga ito ni Daniel sa “La Luna Sangre”, isa pa niyang pinayagan makatambal ng boyfriend ay si Maine Mendoza.

Excited na nga ang lahat kung ano ang plano ng Dos para kay Daniel na huling napanood sa big screen sa kanilang blockbuster film na “The Hows Of Us”. Habang wala pang planong nalalatag para kay DJ, panoorin muna ang “Hello, Love Goodbye” ni Kathryn at Alden sa Miyekoles (July 31) at nang makita kung may chemistry nga ba ang dalawa o wala. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *