Kathryn, Gabbi madalas maglaban sa audition

Gigil na gigil ang mga fan sa Instagram picture na ipinost ni Gabbi Garcia, na kung saan ay kasama niya ang dalawa pang bata.

The post Kathryn, Gabbi madalas maglaban sa audition appeared first on Abante News Online.

kathryn gabbi madalas maglaban sa audition - Kathryn, Gabbi madalas maglaban sa audition
Abante 2019 Gabbi Kath - Kathryn, Gabbi madalas maglaban sa audition

Gigil na gigil ang mga fan sa Instagram picture na ipinost ni Gabbi Garcia, na kung saan ay kasama niya ang dalawa pang bata. Medyo mahirap i-recognize kung alin siya sa tatlong bata na nasa picture, pero nahanap din siya nang mag-comment ang young actress na si Kathryn Bernardo.

“Omg gabbi!! I can still ­remember that dress!” sabi ni Kathryn.

Nag-reply naman agad si Gabbi at sinabing with matching braids at bonnet pa raw ang awra niya roon.

Well, ilang beses na kasing nagkasama, naglaban sa mga audition o VTR ang dalawang aktres noong mga bata pa sila hanggang sa naging close friends nga sila.

Kinatutuwa naman ng mga fan na sabay silang nagsumikap para sa pangarap nila at halos sabay ring naabot ang pangarap kaya naman labis na na-inspire ang karamihan sa millennial sa kanila.

Hiling din ng ibang mga fan na sana ay magkaroon ng pagkakataon na pagsamahin ang dalawang magandang aktres sa isang pelikula. (Athena Yap)

The post Kathryn, Gabbi madalas maglaban sa audition appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *