Kathryn, Erich, Yam, Julia, Bea tuloy ang ligaya sa ABS-CBN

In fairness sa ABS-CBN, Dondon (my dear editor), kahit nga nasa cable lang sila ngayon sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, plus online dahil sa YouTube channel nila, Facebook page, at sa streaming app nila na iWant TFC, napakarami pa rin nilang new shows na naka-line-up.

The post Kathryn, Erich, Yam, Julia, Bea tuloy ang ligaya sa ABS-CBN first appeared on Abante.

kathryn erich yam julia bea tuloy ang ligaya sa abs cbn - Kathryn, Erich, Yam, Julia, Bea tuloy ang ligaya sa ABS-CBN
Kapamilya - Kathryn, Erich, Yam, Julia, Bea tuloy ang ligaya sa ABS-CBN

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Kathryn, Erich, Yam, Julia, Bea tuloy ang ligaya sa ABS-CBNIn fairness sa ABS-CBN, Dondon (my dear editor), kahit nga nasa cable lang sila ngayon sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, plus online dahil sa YouTube channel nila, Facebook page, at sa streaming app nila na iWant TFC, napakarami pa rin nilang new shows na naka-line-up.

Bukod nga sa sinasabing sitcom ni Kathryn Bernardo, may ibang new shows pa sila na ikinuwento sa akin ng isang isang insider ng Kapamilya network.

Si Erich Gonzales nga na nag-back out sa “Love Thy Woman” last year ay may bagong series na pagbibidahan at kasama raw sina Janice de Belen at Agot Isidro.

Ang pumalit naman kay Erich sa very successful na “Love Thy Woman” na magpi-finale telecast na sa Friday, si Yam Concepcion, aba, may bagong series na kaagad at si Gerald Anderson naman daw ang makakapareha.

At ang nali-link naman hanggang ngayon kay Gerald na si Julia Barretto, bongga rin dahil may series din daw at makakasama niya doon si Tony Labrusca, plus Sunshine Cruz, Denise Laurel at iba pa.

May iba pang shows na nasa planning stage, plus magre-resume rin ang taping ng “Kahit Minsan Lang” nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo at magla-lock-in taping na uli ‘yung “Walang Hanggang Paalam” nina Paulo Avelino, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at iba pa.

Ang bongga!

Talagang hindi nga sumusuko ang Kapamilya network kahit hindi na-renew ng kongreso ang kanilang franchise sa free TV broadcast, huh!

And in fairness, napakarami pa rin naman kasi nilang subscribers around the world sa pamamagitan ng kanilang international cable channel na TFC (The Filipino Channel).

Nakakatuwa rin na maraming shows na aabangan ang mga fan ng Kapamilya stars, ‘noh?!

***

TV5 walang bagong palabas

Katsikahan ko si Direk Perci Intalan na content consultant ng TV5.

Wala pa raw siyang bagong maikukuwento tungkol sa TV5 dahil wala pa naman silang new shows na maia-announce sa ngayon.

So tinanong ko na lang siya kung ano ang bago sa The IdeaFirst Company nila ng husband niyang si Direk Jun Lana (nagkaroon sila ng same sex marriage some years back sa New York)?

Bukod nga sa finale episode ng kanilang “Gameboys” BL (boys’ love) series on Sunday sa YouTube channel ng kanilang production company, excited niyang ibinalita na, “’Yung ‘Sleepless’ at ‘Distance’ namin, nasa Netflix na.

“A few days ago lang lumabas ‘Sleepless’ (September 3), pero now number 3 movie na siya sa Netflix.

“Unang film ‘yan na pinroduce ng IdeaFirst na hindi ako or si Jun ang director. First film ito ni Direk Prime Cruz na student ni Jun sa Cine Panulat and later naging isa na sa roster of directors ng IdeaFirst.

“Later kinuha siya ng Black Sheep para sa ‘Can We Still Be’ and last year ‘yung film naman nina Maine Mendoza at ni Carlo Aquino, ‘yung ‘Isa Pa With Feelings’.

“Now may ginagawa siyang thriller sa Viva with Lovi Poe,” kuwento ni Direk Perci.

“’Yung ‘Sleepless’ sina Glaiza de Castro at Dominic Roco ang mga bida.

“Sa September naman lalabas sa Netflix ‘yung ‘Distance’ nina Iza Calzado, Nonie Beuncamino, Teri Malvar, Adrianna So at Max Eigenmann.

“Ako nagdirek noon for Cinemalaya 2018. Never pa ito naipalabas sa sinehan kasi sunod-sunod ang international festivals nito (Tokyo, Bengaluru, Amsterdam, Sydney, Melbourne).

“Sayang meron pa sana kaming ibang film festivals na sasalihan, pero natigil dahil sa (COVID-19) pandemic,” kuwento pa ni Direk Perci.

Wow, ang bongga na rin ng The IdeaFirst Company ng mag-asawa, huh!

The post Kathryn, Erich, Yam, Julia, Bea tuloy ang ligaya sa ABS-CBN first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *