Kathryn, Daniel super lambingan sa basurahan

Yung matatamis na ngiti, at mukhang super in love sa isa’t isa ang agad mong mapapansin kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kapag nakita mo ang mga Instagram photo nila.

The post Kathryn, Daniel super lambingan sa basurahan first appeared on Abante.

kathryn daniel super lambingan sa basurahan - Kathryn, Daniel super lambingan sa basurahan
katryn - Kathryn, Daniel super lambingan sa basurahan

Yung matatamis na ngiti, at mukhang super in love sa isa’t isa ang agad mong mapapansin kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kapag nakita mo ang mga Instagram photo nila.

At siyempre, yung pakiramdam na kikiligin ka kapag magkasama sila, na todo ngiti, at magkayakap pa, ang unang-una mong mararamdaman, bago ang ibang pakiramdam.

At yes, hindi mo nga mapapansin, na sa latest photo nila, sa basurahan na pala sila naglalambingan. Eh kasi naman, ang tamis-tamis ng ngiti nila habang magkadikit ang mga katawan.

At oo, eksena nga raw `yon sa The House Arrest Of Us, na patuloy na pinagkakaguluhan ngayon sa ktx.ph.

“Taken while we were shooting some scenes for episode 1. Who remembers this ep?” chika ni Kathryn.

Kaaliw lang, na kung sa iba, kadiri ang magyakapan, maglambingan sa basurahan, pero sina Kathryn at Daniel, parang mas kakilig, ha!

Pero siyempre, hindi naman `yon tunay na basurahan, na super dumi. Ang kalusugan pa rin ng dalawa ang unang concern ng lahat sa shooting nila. (Dondon Sermino)

The post Kathryn, Daniel super lambingan sa basurahan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *