Kathryn, Daniel sinulsulang magpakasal na

Dahil lang sa pag-react ni Kathryn Bernardo sa naganap na ‘engagement’ nina Angel Locsin at Neil Arce, na sinundan nga ng pasasalamat ni Angel, at mensahe, sunod-sunod na ang umasam na sana ay ang KathNiel na ang kasunod na magplanong pakasal.

The post Kathryn, Daniel sinulsulang magpakasal na appeared first on Abante News Online.

kathryn daniel sinulsulang magpakasal na - Kathryn, Daniel sinulsulang magpakasal na
kat 1 - Kathryn, Daniel sinulsulang magpakasal na

Dahil lang sa pag-react ni Kathryn Bernardo sa naganap na ‘engagement’ nina Angel Locsin at Neil Arce, na sinundan nga ng pasasalamat ni Angel, at mensahe, sunod-sunod na ang umasam na sana ay ang KathNiel na ang kasunod na magplanong pakasal.

“OMG!! Congratulations ate!” sabi ni Kathryn.

Na sinagot naman ni Angel na, “@bernardokath Salamat Kath. Susunod na ba kayo? Hehehehe!”

At ‘yun na nga, libong like, at mga mensahe na ang natanggap tungkol doon. At tila napipi naman si Kathryn, dahil hindi na nakapag-react pa kay Angel.
Heto nga ang pakiusap ng mga fan nila:

sheenelaurino “@therealangellocsin @bernardokath huhu Sana magdilang anghel ka miss Darna at sila na Ang susunod.”

manalford “@bernardokathbebe mainggit ka please para magpakasal na kayo ni @supremo_dp.”

mau4ever21 “@bernardokath@supremo_dp mag-aabang kami lahat promise ‘di namin kayo minamadali pero sana bukas na.”

rainruado21 “@bernardokath success na kay Angel next naman kay Kath aabangan ko.”

aliyahgiron “@bernardokath you and @supremo_dp next!! but don’t get pressured, just enjoy your journey and if you feel like it’s the right time, then go for it!”

cookiecereno721
@therealangellocsin “magdilang-anghel ka sana Ms. Angel…excited na din kmi for @bernardokath@supremo_dp.”

Hahahahaha! Nadamay talaga sina Kathryn at Daniel, ha! (Dondon Sermino)

The post Kathryn, Daniel sinulsulang magpakasal na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *