Kathryn, Alden movie humamig ng P34.4M

Tumataginting na P34,457,618.41 ang kinita ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye”, sa unang araw nito (July 31).

kathryn alden movie humamig ng p34 4m - Kathryn, Alden movie humamig ng P34.4M
Abante tnt alden - Kathryn, Alden movie humamig ng P34.4M

‘Di nagpatalo kina The Rock, Statham:

Tumataginting na P34,457,618.41 ang kinita ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye”, sa unang araw nito (July 31).

“‘Thank you for saying hello to our story…’ – Love, Joy & Ethan” ang paandar ng Star Cinema bilang pasasalamat sa mga Pilipino na nanood ng pelikula ng KathDen.

Sa totoo lang, hindi madali ang kalaban ng KathDen, dahil kasabay pala nila ang pelikulang “Fast And Furious (Hobbs And Shaw)” nina Dwayne “The Rock” Johnson as Hobbs and Jason Statham as Shaw.

Sa Gateway Cinema nga sa Cubao, Quezon City, sangkatutak ang sinehan ng “Fast And Furious”, pero hindi nga nagpakabog ang “Hello, Love, Goodbye” dahil lahat ng sinehan na pinagpapalabasan nila ay punuan talaga, at ang iba ay sold out din agad-agad.

Malaking tulong ang sunod-sunod, sabay-sabay na block screening ng mga fan, supporter sa kanila, ha! Super laking bagay rin ang hayagang pag-i-endorse ng mga sikat na artista sa pelikula ng KathDen.

Ang magandang review ng mga nakapanood ang siguradong mas magpapalakas sa pelikula nila. At ang masipag na pagpo-promote pa rin nina Alden at Kathryn ang siguradong malaki ang maitutulong para magtuloy-tuloy ang lakas ng movie nila.

Congrats, Direk Cathy Garcia Molina. Congrats, Star Cinema. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *