Kathryn, Alden bibida ulit sa ‘Until We Love Again’?

‘May katuloy ba ang ‘Until We Love Again’ nila Joy at Ethan?’ ‘Yan ang hanging question sa promo ng libro ng “Hello, Love, Goodbye: The Novel”.

kathryn alden bibida ulit sa until we love again - Kathryn, Alden bibida ulit sa ‘Until We Love Again’?
kathden 5 - Kathryn, Alden bibida ulit sa ‘Until We Love Again’?

‘May katuloy ba ang ‘Until We Love Again’ nila Joy at Ethan?’ ‘Yan ang hanging question sa promo ng libro ng “Hello, Love, Goodbye: The Novel”.

Ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” nga nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay tinuturing na ngayon na highest grossing Filipino film dahil nalampasan na nga nito ang pelikula nina Kathryn at Daniel Padilla na “The Hows of Us”.

“Grab a copy of ‘Hello, Love, Goodbye: The Novel’, a written version of Joy and Ethan’s love story that blossomed in Hong Kong, by Palanca Award-winning novelist Charmaine Lasar.

“The novel features additional narrations on Joy’s backstory in the Philippines, behind-the-scenes and on-set photos, and an epilogue (that was never shown in the film),” ang karugtong na pag-anyaya pa ng ABS-CBN Books.

Puwede kayang isipin na ang karugtong ng pelikula nina Bernardo at Richards ay “Until We Love Again”? Ang bongga, ‘di ba?

Well, sa tindi ng panalangin ng mga fan, at pakiusap, na gawan ng part 2 ang “Hello, Love, Goodbye”, mukhang masusunod nga sila, at ang tanong na lang, kailan?

Anyway, matingkad na matingkad ang kinang ng bituin ni Kathryn ngayon dahil siya lang naman ang kaisa-isang babaeng aktres na umabot sa P800 milyon ang dalawang pelikula sa box-office.

Sabi ko nga, humataw na sa mahigit P880 milyon ang highest-grossing Filipino film na “Hello, Love, Goodbye” at naka-P800 milyon din ang “The Hows of Us” nila ni Daniel.

“We’re really thankful, beyond thankful kasi nga sobra-sobra ‘to sa pinagdasal namin, hindi ko alam na puwedeng mangyari ‘to and nakaka-overwhelm po,” sabi ni Kathryn.

Deserve naman din talaga ni Kathryn ang blessings ha, kasi talagang pinaghirapan niya ang estado niya ngayon. Mula sa pagiging support lang noon, ngayon siya na ang namamayagpag na bida.

Pero ‘di lang sa box-office siya umaarangkada dahil sari-saring best actress awards na rin ang hinakot niya. Siya na talaga ang reyna ng henerasyon na ito.

At muli, matapos ang tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye”, isa lang ang sigaw ng fans: SEQUEL! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *