KathNiel pasaway sa safety protocols

May pa-surprise yacht party sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa mga kaibigan nilang ikakasal na.

The post KathNiel pasaway sa safety protocols first appeared on Abante.

kathniel pasaway sa safety protocols - KathNiel pasaway sa safety protocols
kathniels 1 - KathNiel pasaway sa safety protocols

May pa-surprise yacht party sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa mga kaibigan nilang ikakasal na.

Kasama nina Kathryn at Daniel ang mga kaibigan nila sa ‘Celebrity Nguya Squad’ na sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ria Atayde, Marco Gumabao, Joe Vargas at Bianca Yanga sa panonorpresa sa mga bagong ‘engaged’ na sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia.

“Taken from our nguYACHT adventure in celebration of @patsugui & @aeriel’s recent engagement. We’re right behind you in this exciting journey of yours, Pat and Ae! In sickness and in health, may porkchop man o wala. Hahaha! Love you boat!” caption ni Kathryn sa mga ibinahaging larawan nila habang nasa yate.

Pero siyempre, humamig ito ng maraming puna, pagsita, dahil para sa kanila, naging pasaway raw ang grupo ng KathNiel.

“‘Yung mga post na ganito, mapapaisip ka na lang talaga kung siniseryoso ng iba, lalo na ng mga mayayaman ang covid. Kahit dito sa US wapakels yung iba,” sabi ni Tere Mortero.

“Oops mga walang social distancing, no face mask,, may large gathering??? What’s this? Excuse me the rest of the Philippines is still on lockdown and these people are violating it,” say ni Zev Gillesania.

Well, siguro ay dapat maging maingat talaga ang mga sikat na artista sa mga kilos nila, lalo na at hindi pa talaga tuluyang nawawala ang virus. (IS)

The post KathNiel pasaway sa safety protocols first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *