KathNiel nanganganib pataubin ng KathDen

Tinatayang aabot nang mahigit P500 million ang kikitain ng “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards under Star Cinema Inc. bago matapos ang isang linggong showing nito.

kathniel nanganganib pataubin ng kathden - KathNiel nanganganib pataubin ng KathDen
kathniel 3 1 - KathNiel nanganganib pataubin ng KathDen

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - KathNiel nanganganib pataubin ng KathDenTinatayang aabot nang mahigit P500 million ang kikitain ng “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards under Star Cinema Inc. bago matapos ang isang linggong showing nito.

 

Sa ikalawang araw nito ay humakot nang mahigit P66 million ang kinita nito.

Nanganganib daw na malagpasan ng “Hello, Love, Goodbye” ang “The Hows of Us” nina Kathryn at Daniel Padilla, na kumita ng P400 million sa 11th day ng showing ng movie.

 

Naka-post sa Instagram ng isa sa mga executive ng Kapamilya network na si Roxy Liquigan ang P66,300,317.72 na kinita ng pelikula.

 

Dahil sa word-of-mouth at social media post ng maraming nakapanood na nagandahan sa pelikula, nagkaroon ng interes ang marami na silipin ang mga sinehang pinagpapalabasan ng movie.

 

Marami sa mga celebrity ang naglabas ng kanilang mga review sa pelikula.
Si Angelica Panganiban, nagulat sa husay ni Alden sa acting. First time raw niyang napanood ang Kapuso actor at hindi niya akalaing magaling itong umarte.

 

Kinilig naman ang magkasinta­hang Juancho Trivino at Joyce Pring sa pelikula.

 

 

Erwan ‘di dadalo sa premiere night ng Anne-Marco movie

 

Asahan na hindi dadalo ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa premiere night ng latest movie ng “It’s Showtime” host na kasama si Marco Gumabao, ang “Just A Stranger”.

 

Hindi dahil ayaw makita ni Erwan ang love scene nina Anne, Marco sa pelikula, kundi dahil hindi raw sanay ang chef hubby ng actress na makuyog ng media.

 

Kuwento ni Anne, nagka-phobia raw si Erwan nu’ng dumalo ito sa premiere night ng “Aurora” at parang nalunod ito sa dami ng mga press na sumalubong sa asawa.

 

Salaysay pa ni Anne, ramdam niyang hinawakan nang mahigpit ni Erwan ang kanyang kamay pagbungad pa lang nila sa red carpet.

 

Ayon kay Anne, okey lang sa mister niyang humarap sa kamera, gaya ng ginagawa nito sa kanyang show at vlog, pero hindi ang palibutan ng media.

Nililinaw ni Anne na walang problema nang mabasa ng asawa niya ang script at malamang may mga love scene ito. Never daw naging problema sa kanilang pagsasama ang trabaho ni Anne.

 

Siya­nga pala, ‘steamy’ ang deskripsyon ni Marco sa love scene nila ni Anne sa movie. ‘Sensual’ naman kung ilarawan ng aktres ang intimate scene nila ng kanyang leading man.

 

Alice pinuri ang mga sikyo sa Caticlan

 

Bukod sa pasasalamat, pinuri ni Alice Dixson ang mga security personnel sa Caticlan airport. Ikinuwento ni Alice sa kanyang vlog na naiwan niya ang kanyang cellphone sa restroom ng airport.

 

Nang balikan niya ang kanyang telepono, wala na ito at ipinalagay ng aktres na nakuha na ito ng iba. Ipinagtanong ito ni Alice pero sinasabi sa kanya na hindi nila nakita ang kanyang telepono.

 

Humingi ng assistance si Alice sa ilang mga security ng airport at ni-review nila ang CCTV para makita kung sino-sino ang pumasok ng restroom paglabas niya.

 

Matapos ma-review ang CCTV, nagtanong si Alice sa mga taong gumamit ng restroom pagkatapos niya, at naibalik naman sa kanya ang cellphone.

 

Laking pasasa­lamat ni Alice sa tulong na ibinahagi sa kanya ng Caticlan airport. Pinu­ri niya ang trabaho at malasakit ng mga ito na maibalik sa kanya ang isa sa pinaka-importanteng gadget sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *