KathNiel nagpaulan ng kilig sa US

Nasa San Francisco, USA ngayon ang ilan sa Kapamilya star para sa “ASAP” Bay Area show.

kathniel nagpaulan ng kilig sa us - KathNiel nagpaulan ng kilig sa US
ABANTE Kathniel - KathNiel nagpaulan ng kilig sa US

Nasa San Francisco, USA ngayon ang ilan sa Kapamilya star para sa “ASAP” Bay Area show.

Kilig to the bones ang bumuhos na reaksyon ng mga fan nang sagutin ni Daniel Padilla ang tanong na “Daniel, what can you say about your good friend sa movie?”

“Sorry. She’s not my good friend, she’s my girlfriend, ma­dam!” bungad ni Daniel sa tanong sa kanya.

Agad nga ring naghiyawan sa kilig ang mga tao sa paligid habang nagsasalita ang aktor.

“So I’m just very-very proud at ‘yung performance na ibinigay niya sa pelikula ay hindi niya na kailangan pang banggitin dahil lumalabas na sa salita ng ibang tao,” buong galak na sabi pa ni Daniel.

“Hindi rin biro kung ano ‘yung pinagdaanan niya nu’ng ginagawa ‘yung pelikulang ‘yun, hindi lang sa nahihirapan siya sa eksena pero meron din siyang personal na pinagdadaanan habang ginagawa ‘yung pelikula,” dagdag pa ng aktor.

Mukhang kasalan na nga lang talaga ang hinihintay sa KathNiel! (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *