KathNiel, LizQuen mapapanood sa Singapore

Wala nang makakapigil sa ABS-CBN na maihatid ang kanilang serbisyo all over the world dahil sa pakikipag-partner ng ABS-CBN TFC sa StarHub, isang Singaporean company na naghahatid ng world class entertainment solution sa kanilang bansa, para mapalabas ang ilang Star Cinema movies sa Singapore.

The post KathNiel, LizQuen mapapanood sa Singapore first appeared on Abante.

kathniel lizquen mapapanood sa singapore - KathNiel, LizQuen mapapanood sa Singapore
kathniel and lizqun - KathNiel, LizQuen mapapanood sa Singapore

Wala nang makakapigil sa ABS-CBN na maihatid ang kanilang serbisyo all over the world dahil sa pakikipag-partner ng ABS-CBN TFC sa StarHub, isang Singaporean company na naghahatid ng world class entertainment solution sa kanilang bansa, para mapalabas ang ilang Star Cinema movies sa Singapore.

Mapapanood na ng Singaporean fans ang latest offerings ng TFC tulad ng mga pelikula na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Liza Soberano, Enrique Gil, Kim Chiu, Piolo Pascual, Jodi Santa Maria, at marami pang iba.

Ilan sa mga ito ay ang “Unbreakable,” “The House of Us,” “Finally Found Someone,” “My Ex and Whys,” “Clarita,” “Bride for Rent,” “James & Pat & Dave,” at “Love Lockdown.”

Ayon sa ABS-CBN, sinabi ng vice president ng Star Hub na excited na silang makapaghatid ng top-of-the-line Filipino content para sa kanilang viewers dahil sa pakikipagsanib-pwersa nila sa TFC.

“This is part of our transformation journey to offer customers greater accessibility and even more content choices. ABS-CBN films are well received by consumers worldwide and we are confident that these films will be hits among our customers,” sabi pa niya.

Ang pakikipag-partner naman ng TFC sa StarHub ay isa sa efforts ng TFC sa kanilang pagpasok sa digital at para mas matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga manonood ngayong sa ‘new normal’ na tinatawag. (Dondon Sermino)

The post KathNiel, LizQuen mapapanood sa Singapore first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *