KathNiel big winner sa Alta Media Icon Awards

Damang-dama ng ABS-CBN ang pagmamahal ng mga estudyante at guro sa University of Perpetual Help-System DALTA sa Las Piñas City, matapos tumanggap ng 38 parangal sa ginanap na 5th Alta Media Icon Awards kamakailan lang.

kathniel big winner sa alta media icon awards - KathNiel big winner sa Alta Media Icon Awards
kathniel 8 - KathNiel big winner sa Alta Media Icon Awards

Damang-dama ng ABS-CBN ang pagmamahal ng mga estudyante at guro sa University of Perpetual Help-System DALTA sa Las Piñas City, matapos tumanggap ng 38 parangal sa ginanap na 5th Alta Media Icon Awards kamakailan lang.

Nanguna sa mga nagwagi mula sa Kapamilya network ang “ASAP” (Best Musical Variety Show), “Maalaala Mo Kaya” (Best Drama Anthology), “Umagang Kay Ganda” (Best Morning Show), at ang “Matanglawin” anchor na si Kim Atienza (Best Educational Program Host) na pasok na ngayon sa Hall of Fame.

Ginawaran din ng pagkilala ang DZMM (Best AM Radio Station), “Failon Ngayon” (Best AM Radio Program), at “Sports U” (Best Sports Program) kasama ng “Umagang Kay Ganda” para sa ABS-CBN Integrated News and Current Affairs. Tinanghal namang Best News Talk Program ang “The Bottomline with Boy Abunda,” habang Best News Talk Program Host si Boy Abunda. Hindi rin nagpahuli ang mga kasama ni Kuya Kim sa ABS-CBN News na sina Anthony Taberna (Best Morning Show Host), Dyan Castillejo (Best Sports Program Host), at Julius Babao (Best AM Radio Male Personality).

Nakamit din ng ABS-CBN ang karamihan sa award sa larangan ng entertainment. Bukod sa “MMK” at “ASAP,” pinuri rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (Best Primetime Drama Series), “Kadenang Ginto” (Best Daytime Drama Series), “Home Sweetie Home” (Best Comedy Program), “It’s Showtime” (Best Noontime Variety Show), “Magandang Buhay” (Best Showbiz-Oriented Talk Show), “Wansapanataym” (Best Youth-Oriented Program), “Ipaglaban Mo” (Best Public Service Program), “I Can See Your Voice” (Best Game Show), at “Pilipinas Got Talent 2018” (Best Reality/Talent Search Program).

Nagwagi rin sina Angel Locsin (Most Influential Female TV Personality), Anne Curtis (Best Variety Show Host), Toni Gonzaga (Best Comedy Actress for TV), Billy Crawford (Best Reality Talent Show Host), Jericho Rosales (Best Drama Actor), Luis Manzano (Best Game Show Host), Seth Fedelin (Most Promising Male Star), Francine Diaz (Most Promising Female Star), at TNT Boys (Best Child Performers for TV).

Tinanghal namang Movie of the Year ang “The Hows of Us”, habang panalo rin ang mga bida nito na sina Kathryn Bernardo (Best Actress for Film) at Daniel Padilla (Best Actor for Film), na pinarangalan ding Loveteam of the Year.

Sa musika, panalo naman sina Gary Valenciano (Iconic Awardee for Music) at Moira Dela Torre (Best Female Recording Artist), samantalang Most Influential Social Media Personality naman si AC Bonifacio at Best FM Radio Program ang “Dear MOR” ng MOR 101.9.

Limang taon nang kinikilala ng Alta Media Icon Awards ang mga natatanging programa at bahagi ng industriya ng media na pinipili ng mga mag-aaral at guro ng UPHSD. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *