KathNiel ang peg: Bianca, Win super lambingan sa dagat

Mistulang KathNiel nga ang dating nina Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo sa Instagram, ha!

The post KathNiel ang peg: Bianca, Win super lambingan sa dagat first appeared on Abante.

kathniel ang peg bianca win super lambingan sa dagat - KathNiel ang peg: Bianca, Win super lambingan sa dagat
abante bianca manalo - KathNiel ang peg: Bianca, Win super lambingan sa dagat

Mistulang KathNiel nga ang dating nina Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo sa Instagram, ha!

Well, ang dami ngang kinilig sa paandar ni Bianca sa Instagram, na kung saan ay pinost nga niya ang photo nila ni Sen. Gatchalian na nasa tabing dagat, at yakap-yakap niya mula sa likod ang senador.

“Happy 2nd anniversary!” ang simpleng caption ni Bianca.

Umulan nga ng puso sa IG post na `yon ni Bianca. At mas lalo pang kinilig ang lahat noong mag-post siya ng panibagong photo na may hawak naman siya ng pagkarami-raming bulaklak, na obyus na bigay ni Sen. Win.

“Thank you for the flowers, babe,” ang caption naman ni Bianca, na parang Kathryn Bernardo nga ang peg.

Siyempre, inulan sila ng tukso, na ang feeling ng mga fan, ang mga photo na inilabas nila ay parang pasilip sa pre-nup nila, ha!

Well, kelan nga ba ang kasal? (Dondon Sermino)

The post KathNiel ang peg: Bianca, Win super lambingan sa dagat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *