Kaso ni Kris kay Falcis binasura sa Manila

Binasura ng Manila prose­cutor ang kasong isinampa na qualified theft at access device fraud ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis kamakailan.

The post Kaso ni Kris kay Falcis binasura sa Manila appeared first on Abante News Online.

kaso ni kris kay falcis binasura sa manila - Kaso ni Kris kay Falcis binasura sa Manila
kris 2 2 - Kaso ni Kris kay Falcis binasura sa Manila

Binasura ng Manila prose­cutor ang kasong isinampa na qualified theft at access device fraud ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis kamakailan.

Matatandaang naghain ng reklamo na 44 counts si Aquino na qualified theft at violation of access device regulation act of 1998 sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila kay Falcis. Ang mga kasong iyon ay nagsasabing nagnakaw umano si Falcis ng P1,270,980.31 via credit card transactions gamit ang pera ng KCAP (kompanya ni Kris).

Sa Manila, Quezon City, Taguig City, Makati City, San Juan City, Pasig City at Mandaluyong City ang pitong lungsod kung saan nakahain ang reklamong isinampa ni Kris laban kay Falcis.

Base sa statement na nakasaad sa reklamo ni Kris sa Manila, diumano ay gumastos si Falcis ng total na P49,584.00 credit card tran­sactions na walang pahintulot. Ayon naman sa resolution ng nasabing reklamo, “complainant failed to establish the personal property that was supposedly unlawfully taken by respondent (Nicko) from complainant or from KCAP.”

Ibig sabihin ay hindi sapat ang ebidensya para patunayan ang akusasyon laban kay Nicko.
Anyway, noong Abril ay nabasura naman sa Quezon City ang kasong isinampa na grave threats ni Nicko laban kay Kris. (Athena Yap)

The post Kaso ni Kris kay Falcis binasura sa Manila appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *