Kaseksihan ni Maja mabenta sa Cameroon, Tanzania, Kenya

Feeling Marilyn Monroe nga si Maja Salvador sa kanyang latest Instagram post. Pero, hindi Marilyn Monroe na lumilipad ang dress at silip ang panty.

The post Kaseksihan ni Maja mabenta sa Cameroon, Tanzania, Kenya first appeared on Abante.

kaseksihan ni maja mabenta sa cameroon tanzania kenya - Kaseksihan ni Maja mabenta sa Cameroon, Tanzania, Kenya
Maja - Kaseksihan ni Maja mabenta sa Cameroon, Tanzania, Kenya

Feeling Marilyn Monroe nga si Maja Salvador sa kanyang latest Instagram post. Pero, hindi Marilyn Monroe na lumilipad ang dress at silip ang panty.

Bet lang kasi ni Maja ang mga paandar ni Marilyn Monroe tulad nito…

‘A smile is the best makeup a girl can wear’ – Marilyn Monroe.

Anyway, kitang-kita nga ang kasiyahan sa mukha ni Maja. Ibang ligaya na parang wala nang problema sa kinabukasan.

Na true nga, na kahit wala siyang makeup, at nasa tabi ng dagat, at ang liwanan ng araw lang ang nagbibigay ng kulay sa kanyang mukha, lutang talaga ang kagandahan niya.

At siyempre, hindi rin naman patatalbog ang kaseksihan ni Maja na idini-display sa Palawan ngayon. Kaya naman kahit ang dyowa niyang si Rambo Nunez, panay ang comment ng emoticon na fire, na meaning, super hot talaga ng dyowa niya.

Anyway, bagamat nasa ibang istasyon na si Maja ngayon, at hindi na siya napapanood sa ABS-CBN, hindi pa rin siya nakakalimutan ng mga fan niya sa ibang bansa. May mga fan nga si Maja na mula pa sa Cameroon, Tanzania, Kenya at iba pa.

Mababasa nga ang pagsamba ng mga Instagram follower niya mula sa mga naturang bansa, na nagsasabing bet na bet nila ang kaseksihan nito, at nami-miss nilang mapanood na ito ulit sa mga teleserye.

Anyway, di ba nga, dahil ipinapalabas na sa ibang bansa ang mga teleserye ng ABS-CBN kaya kahit sa mga dayuhan ay sikat ang mga Kapamilya star.

Si Jericho Rosales nga ay sikat sa mga bansang Ghana, Indonesia, Malaysia, at iba pang bahagi ng mundo. (Dondon Sermino)

The post Kaseksihan ni Maja mabenta sa Cameroon, Tanzania, Kenya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *