Kaseksihan ni Maine pinagpiyestahan sa IG

Ang pang-asar na kaseksihan ni Maine Mendoza ang pasabog niya bago matapos ang 2020.

The post Kaseksihan ni Maine pinagpiyestahan sa IG first appeared on Abante.

kaseksihan ni maine pinagpiyestahan sa ig - Kaseksihan ni Maine pinagpiyestahan sa IG
abante maine mendoza 4 - Kaseksihan ni Maine pinagpiyestahan sa IG

Ang pang-asar na kaseksihan ni Maine Mendoza ang pasabog niya bago matapos ang 2020.

Aba, biglang-bigla ay inilantad nga ni Maine ang kaseksihan niya sa Instagram. Suot ang kulay itim na 2-piece bikini na high cut din, ha!

At siyempre, todo emote siya sa sexy photo niyang `yon, na sa loob pa lang ng sampung minute ay kulang-kulang 50,000 na ang nag-like. At siyempre, parami nang parami ang numero na sumisilip sa kanya.

Simpleng ‘instagram vs. reality’ ang caption niya. Ipinakita niya na kapag pang-Instagram ang photo, super emote, paseksi ang lahat, pero sa katotohanan, walang latoy, walang gana, nakasimangot lang siya sa photo, na obyus na patawa lang niya.

Pero para sa mga fan niya, parehong maganda ang mga photo. Kesehodang naka-emote o nakasimangot, maganda pa rin si Maine.

Siyanga pala, napansin din ng mga fan ang tattoo at hikaw sa pusod ni Maine. (Dondon Sermino)

The post Kaseksihan ni Maine pinagpiyestahan sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *