Kasalan, hiwalayan, online concert patok sa 2020

Ang bilis talaga ng panahon. Ilang oras na lang ay magpapalit na ng taon.

The post Kasalan, hiwalayan, online concert patok sa 2020 first appeared on Abante.

kasalan hiwalayan online concert patok sa 2020 - Kasalan, hiwalayan, online concert patok sa 2020
abante kasal hiwalayan concert - Kasalan, hiwalayan, online concert patok sa 2020

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 1 1 300x180 - Kasalan, hiwalayan, online concert patok sa 2020Ang bilis talaga ng panahon. Ilang oras na lang ay magpapalit na ng taon.

Parang kailan lang nag-start ang 2020 at may mga nag-predict pa nga na magiging bongga ang taon na ito, pero hindi nga nangyari, kaya marami ang may gustong mag-fast forward na sa 2021.

Anyway, nandito ang ilang mga pangyayari ngayong 2020 sa ilang mga celebrity na malapit sa akin…

OGIE & REGINE (VELASQUEZ) ALCASID:

Excited si Ogie para sa “KilaboTitos” concert sana na pagsasamahan nila ni Ian Veneracion at sa katunayan, isa ‘yon sa huling nagpa-presscon bago nagkaroon ng lockdown noong March 15 dahil sa COVID-19 pandemic. Hanggang ngayon, wala pang balita tungkol doon.

Ayon kay Ogie, sa pagpasok ng 2021 nila dedesisyunan kung gagawin na lang ba nilang online concert ‘yon o kung magiging maayos na ngayong New Year na papasok ay baka puwedeng ituloy na nila ‘yon sa New Frontier Theater.

Naging kaliwa’t kanan naman ang virtual shows nila ni Regine na sila mismo ang namamahala sa technical side dahil takot silang magpapasok ng mga tao sa kanilang bahay dahil sa matindi pa ring banta ng virus!

Si Regine naman, after ng Valentine’s concert sa Smart Araneta Coliseum with Sarah Geronimo ay may big 50th birthday concert din sana noong April, pero hindi na natuloy ‘yon at nagkaroon na lang ng virtual fundraiser concert para sa kanyang golden year.

RUFFA GUTIERREZ:

Marami ang ginulat ni Ruffa nang i-announce niya sa isang presscon na wala na siyang karelasyon ngayong panahon ng pandemic.

Kahit ang nanay niyang si Annabelle Rama ay nagulat na wala na pala silang dalawa ni Jordan Mouyal, na alam naman ng lahat na ayaw na ayaw ng Gutierrez matriarch.

Nagpatuloy pa rin naman ang career ni Ruffa kahit may pandemic dahil nakapag-lock-in taping siya for “Love Thy Woman”, nagkaroon ng digital movie series na “The House Arrest Of Us” with Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Herbert Bautista (na dahilan para ma-link sila) at “Stay-In Love” ng TV5.

Ngayong January, magla-lock-in taping uli sila para sa second part ng first season ng nasabing sitcom na pinagbibidahan din nina Maris Racal at Kokoy de Santos.

RICHARD GUTIERREZ & SARAH LAHBATI:

Marami ang nagulat sa desisyon nina Richard at Sarah na hindi ituloy ang kanilang big wedding noong March 14.

March 15 nagsimula ang lockdown, pero dahil sa matinding banta ng COVID-19, nagdesisyon sila noong March 12 na i-announce na hindi na itutuloy ang kasalang ‘yon.

Hindi naman nila kaagad in-announce na may civil wedding pa rin na magaganap noong March 14 at noong gabing ‘yon lang sa intimate reception sa Samba ng Shangri-La The Fort sa pamamagitan ng Instagram post nila inamin ang tungkol doon.

Ipinalabas naman the next day sa Abante News Online ang exclusive coverage ko para sa “Anything Goes” ang tungkol doon.

Tatlong beses ding nag-lock-in taping sa Batangas si Richard para sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan may special guest role siya.

Si Sarah naman ay kaliwa’t kanan din ang project, pero hindi siya tumatanggap ng lock-in projects dahil siya ang tutok sa mga anak na sina Zion at Kai habang nasa lock-in si Richard.

LOVI POE:

Isa rin si Lovi Poe sa mga busy ngayong pandemic.

Nakapag-lock-in taping siya for “Owe My Love” ng GMA 7.

Nakapunta rin ng Los Angeles, California si Lovi para makasama ang Hollywood producer-boyfriend niyang si Montgomery Blencowe noong September.

Ngayong bago mag-Pasko, nakaalis uli si Lovi for L.A. at magkasama silang nagse-celebrate roon ng holidays.

Marami ang masaya na ngayon lang naging sobrang open si Lovi tungkol sa kanyang love life at pareho sila ni Montgomery na panay ang post sa social media ng kanilang pagmamahalan!

SOLENN HEUSSAFF & NICO BOLZICO:

Para sa mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico, the best way to welcome 2020 naman ang pagdating ng baby girl nila.

Isinilang nga ni Solenn si Thylane Katana noong New Year’s day.

Days before that, na-prank pa ni Solenn si Nico nang magkunwari siyang manganganak na na ipinost pa nga niya sa social media ang video tungkol doon.

Aliw rin ang mga video na ipino-post ng mag-asawa sa kanilang social media account tungkol sa kanilang married life at pagkakaroon ng anak.

Nanganak din this year ang sister-in-law ni Solenn, si Anne Curtis (misis ng kapatid niyang si Erwan Heussaff) kay Baby Dahlia Amelie sa Australia.

POPS FERNANDEZ & MARTIN NIEVERA:

Noong February, nagkaroon ng concert series ang ex-couple na sina Pops at Martin na ikinatuwa ng kanilang mga fan.

Ikinatuwa rin ng mga fan na may reunion cable TV show ang Concert Queen at Concert King.

Noong December 19 nga ay nag-pilot telecast ang kanilang “eX & whYs with Pops and Martin” sa Colours channel ng CignalTV.

Na-link din si Pops kay Derek Ramsay at nalinaw naman na mali ang tsismis na ‘yon lalo na ang tsikang siya ang dahilan sa split-up ng hunk actor at ni Andrea Torres.

Masayang magkasama ngayon sa Balesin Island sina Pops at Martin bilang friends at marami pa rin sa kanilang mga fan ang “HOPIA” (hoping) na pasasaan ba ay magkakabalikan pa rin ang dalawa.

So, ayan ang ilang mga pangyayari ngayong 2020 sa ilang mga celebrity na malapit sa akin.

Happy New Year to all!!!

The post Kasalan, hiwalayan, online concert patok sa 2020 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *