Karylle, Ryan nagplastikan sa premiere night ng ‘Papa Pogi’

Panay ang tukso ng mga manunulat kina Karylle at Ryan Bang sa premiere night ng pelikulang “Papa Pogi,” na kesyo nagpaplastikan lang sila. ‘Di ba nga, sabi-sabi na nag-away ang dalawa dahil pinaghintay ni ­Karylle si Ryan nang ilang oras nu’ng nanood sila ng concert.

The post Karylle, Ryan nagplastikan sa premiere night ng ‘Papa Pogi’ appeared first on Abante News Online.

karylle ryan nagplastikan sa premiere night ng papa pogi - Karylle, Ryan nagplastikan sa premiere night ng ‘Papa Pogi’
karylle 1 - Karylle, Ryan nagplastikan sa premiere night ng ‘Papa Pogi’

Panay ang tukso ng mga manunulat kina Karylle at Ryan Bang sa premiere night ng pelikulang “Papa Pogi,” na kesyo nagpaplastikan lang sila. ‘Di ba nga, sabi-sabi na nag-away ang dalawa dahil pinaghintay ni ­Karylle si Ryan nang ilang oras nu’ng nanood sila ng concert.

Hindi nga raw nagustuhan ni Ryan Bang na nagmukha siyang tanga sa kakahintay kay Karylle.

Anyway, sa premiere night nga, nakita ni Karylle na magkatabi ang mga pangalan nila ni Ryan Bang sa upuan.

“Bakit kami magkatabi ng upuan ni Ryan Bang? Pa’no ang away namin? Hahahahaha!” natatawang hirit ni Karylle.
At siyempre, tinukso, at hiniling ng mga manunulat, photo­grapher na magpapiktyur na magkasama ang dalawa.
“Pa-picture tayo, kunyari lang,” naka­ngiting pangungulit ni Karylle kay Ryan.

Naku, parang napipilitan lang si Ryan na magpapiktyur kay Karylle, ha?
“Hindi kami away!” sabi ni Ryan.

Ano lang?
“Lambing lang!” sagot ni Ryan.

Naku, parang hindi naman, parang plastikan lang talaga, eh.

“Pampataas views ‘yan!” natatawang biro ni Ryan sa mga kumukuha ng video sa kanila ni Karylle.
Talaga ba???

The post Karylle, Ryan nagplastikan sa premiere night ng ‘Papa Pogi’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *