Karylle nadamay sa kamalasan ni Ryan Bang

“Hindi pa tapos ang sumpa!” ang naging reaksiyon ni Ryan Bang nang muli ay matalo na naman ang grupo niya sa ‘Magpasikat’ ng “It’s Showtime”. Kaloka lang na mula nu’ng magsimula ang ‘Magpasikat’ na ginaganap tuwing anibersaryo ng “It’s Showtime” ay never pang nanalo si Ryan, ha!

karylle nadamay sa kamalasan ni ryan bang - Karylle nadamay sa kamalasan ni Ryan Bang
karylle x ryan bang - Karylle nadamay sa kamalasan ni Ryan Bang

“Hindi pa tapos ang sumpa!” ang naging reaksiyon ni Ryan Bang nang muli ay matalo na naman ang grupo niya sa ‘Magpasikat’ ng “It’s Showtime”. Kaloka lang na mula nu’ng magsimula ang ‘Magpasikat’ na ginaganap tuwing anibersaryo ng “It’s Showtime” ay never pang nanalo si Ryan, ha!

At nu’ng Sabado nga, umasa talaga nang husto si Ryan na makapag-uuwi siya ng tropeo, premyo, na kahit third place man lang. Sa performance kasi niya sa ‘Magpasikat’, kasama si Karylle, nagpakitang-gilas talaga siya sa pagsayaw, pag-rap. At humamig ng papuri ito mula sa mga hurado.

Marami nga ang nagsasabi na ito na ang taon ni Ryan, at mananalo na talaga siya. Kaya naman sa announcement ng mga nanalo, pikit-mata niya sanang nanamnamin ang pagsigaw ng pangalan nila ni Karylle bilang isa sa mga nanalo.

Pero, ang siste nga kasi, naunang mag-perform sina Ryan kina Vhong Navarro at kay Vice Ganda. Si Anne Curtis, bagama’t nauna na ring nag-perform, marami rin ang naaliw sa ginawa nila.

Kumbaga, parang sure winner na si Anne, pero hindi para sa first place. So, sina Vhong at Vice Ganda nga ang masasabing kalaban ng grupo nina Ryan.

Pero, muli, mas pinabongga nina Vhong at Vice ang konsepto at performance ng mga grupo nila. Kaya naman nakapag-uwi ng premyo si Vhong, at si Vice ang nanalong grand champion.

Pero hirit ng mga fan, dapat ay may puwesto pa rin si Ryan, dahil sa ganda ng ginawa nila nina Karylle, na nag-ala-Korean nga silang lahat.

Well, hirit at tukso naman ng iba, nadamay si Karylle sa sumpa, kamalasan ni Ryan, ha!

Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *