‘Karug’ ni Paul katakam-takam

Panay na ang pa-yummy ng Kapuso actor na si Paul Salas sa social media. Kelan lang ay nag-post ito ng kanyang sexy photo sa Instagram at Twitter na bukas ang suot na hoodie at nakababa ang sweat pants nito para makita ang mabalahibong puson niya o ‘yung tinatawag na ‘karug’.

karug ni paul katakam takam - ‘Karug’ ni Paul katakam-takam
ABANTE Paul salas 1 - ‘Karug’ ni Paul katakam-takam

Panay na ang pa-yummy ng Kapuso actor na si Paul Salas sa social media. Kelan lang ay nag-post ito ng kanyang sexy photo sa Instagram at Twitter na bukas ang suot na hoodie at nakababa ang sweat pants nito para makita ang mabalahibong puson niya o ‘yung tinatawag na ‘karug’.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Hoodie paully”.

Bukod pa rito ay pinu-post din ng dating “StarStruck Kids” contestant na shirtless siya at pawisan na suot lang ay basketball shorts.

Imbes tuloy na matinee idol ang tingin kay Paul, nagkakaroon na ito ng sexy image. In fairness, mas maganda ang katawan ni Paul ngayon dahil nabatak ito nang husto dahil sa naging training niya para sa teleserye na “Descendants of The Sun” kunsaan gaganap siya bilang isang sundalo.

Kahit na ang Kapuso actress na si Jackie Rice ay hindi nakatiis na mag-comment sa sexy na post ni Paul. Sey nga ni Jackie: “Ganda ng shirt sa loob.”

Grabeh! Lower banker!”
“Ang hot bro!”
“Baba mo pa konti haha.” (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *