Karla mas patok sa pagkanta, hosting kesa umarte

Si Karla Estrada while singing in 81 Sei Hai Japanese fusion restaurant sa Timog Avenue, Quezon City noong Saturday.

The post Karla mas patok sa pagkanta, hosting kesa umarte appeared first on Abante News Online.

karla mas patok sa pagkanta hosting kesa umarte - Karla mas patok sa pagkanta, hosting kesa umarte
karla 1 - Karla mas patok sa pagkanta, hosting kesa umarte

abante anything goes jun lalin 336x224 - Karla mas patok sa pagkanta, hosting kesa umarteSi Karla Estrada while singing in 81 Sei Hai Japanese fusion restaurant sa Timog Avenue, Quezon City noong Saturday.

Tinanong ko ang owner ng lugar, si Chef Christopher Cordero kung may gig ba roon si Karla that night, pero ang sagot niya, “Chill-chill lang. Kumanta lang siya ng isa.”

Madalas sa restaurant na ‘yon si Karla, kaya may ibang mga nag-aakalang part-owner siya, pero hindi.

Ang sabi sa akin minsan ni Karla, dapat ay mag-i-invest siya roon, pero hindi nga natuloy ‘yon.

Anyway, maraming nagsasabi na mas gusto nilang kumanta si Karla at sana raw ay mag-concert uli ang nanay ni Daniel Padilla.

Mukhang mas kinakagat nga si Karla sa pagkanta, pati na rin sa pagho-host ng “Magandang Buhay” kesa ‘yung umaarte pa siya.

Mas supportive kasi ang fans kay Karla sa mga ganoong bagay dahil patunay naman ang super pag-flop sa takilya ng pelikula niyang “Familia Blondina,” huh!

In fairness, ang galing naman talagang kumanta ni Karla and effective host siya sa “Magandang Buhay,” kaya mag-concentrate na lang siya roon!

Marjorie toxic para kay Gretchen

Kahit sinabi ni Gretchen Barretto na never na niyang babatiin ang ka­patid na si Marjorie Barretto dahil “toxic” ito sa kanya, marami pa rin ang naniniwalang in the future, magiging ok pa rin ang magkapatid.

Noon naman, sino ba ang mag-aakalang makakabati ni Gretchen si Claudine Barretto?

Pero ngayon nga ay sobrang sweet ang dalawa.

Ang sabi naman ng iba, mukhang ang friendship ni Marjorie sa ibang friends niya ang dahilan kung bakit nasasabi nila nga­yon na never na silang magbabatian, huh!

Pero who knows nga naman, baka pati friends ni Marjorie ay makabati ni Gretchen, ‘noh?!

Ako, pupusta na hindi pa rin forever ang awayan na ‘yan!

Kahit ano pa kasi ang nasasabi nila ngayon against each other, magkapatid pa rin sila!

Snooky umaasa pa rin sa reunion movie kina Maricel, Dina

Alam mo ba, Dondon, last Sunday, after ng group interview ni Snooky Serna para sa magandang feedback sa kanya sa “Sahaya,” primetime series ng GMA 7, nagtuloy kami sa bahay ng manager niyang si Leo Dominguez.

Birthday kasi ni Leo at nag-dinner kami roon ni Snooky.

Habang nandoroon kami, may pina-deliver naman na cake si Dina Bonnevie.

Si Leo rin kasi ang manager ni Dina.

While having dinner, napagkuwentuhan nga namin ni Snooky ang reunion movie sana nila ni Dina at Maricel Soriano.

Sabi ni Snooky, gustong-gusto pa rin niyang makasama sa isang project si Maricel.

Noong kabataan nila, mas madalas magkabanggaan sina Snooky at Maricel, pero para sa una, kaibigan pa rin niya ang tinaguriang Diamond Star.

Marami ngang masasayang memories si Snooky noong magkakasama pa sila nina Dina at Maricel sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Hunk actor may gay benefactor?

Nanghihinayang ako sa hunk actor na ito.

Ilang beses na kasi siyang muntik-muntikang sumikat, pero parang palaging nauudlot ‘yon.

Pero bongga ang lifestyle ni hunk actor kahit nga hindi karamihan ang kanyang projects, huh!

May “benefactor” pa rin kaya hanggang ngayon si hunk actor na balitang sumusuporta sa kanya noon at dahilan kung bakit nakikipagsabayan siya sa lifestyle ng kanyang rich friends? Well…

The post Karla mas patok sa pagkanta, hosting kesa umarte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *