Karla-Jam kinabog KathNiel sa lambingan

Ayaw pakabog ni Karla Estrada sa romansa ng anak nitong si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo. Siya man ay may sariling pa-sweet moment sa boyfriend na si Jam Ignacio.

The post Karla-Jam kinabog KathNiel sa lambingan first appeared on Abante.

karla jam kinabog kathniel sa lambingan - Karla-Jam kinabog KathNiel sa lambingan
Karla - Karla-Jam kinabog KathNiel sa lambingan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Karla-Jam kinabog KathNiel sa lambinganAyaw pakabog ni Karla Estrada sa romansa ng anak nitong si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo. Siya man ay may sariling pa-sweet moment sa boyfriend na si Jam Ignacio.

Nag-trending ang video ng KathNiel kung saan ay makikitang hinalikan ni Daniel si Kathryn sa pisngi habang nasa tulay sila sa ibabaw ng dagat.

Umariba naman si Karla pagkatapos ng ilang araw at nagposte rin ng photo nila ni Jam na magkayakap. Nakasaad sa caption ang malambing na mensahe ni Karla kay Jam. Tinawag pang “love” ni Karla ang dyowa sa pasasalamat niya rito.

Oh di ba? Ang sweet ni Karla.

***

Dingdong nalusaw sa talent ni Zia

Muling pinahanga ng panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes ang mga netizen sa ipinamalas na kakayahan sa social media.

Kung dati ay ang magandang mukha ng bata ang pinanggigilan sa kanya ng milyong follower nila sa Instagram, ngayon ay ang kahusayan niya sa musika.

Sa murang edad ni Zia, pinahanga niya ang mga fan dahil sa galing niyang kumanta at maggitara. Mapapanood sa video post ni Dingdong na sabay silang tumutugtog ng gitara. Si Zia ang kumakalabit sa string, at si Dingdong ang tumitimpla ng nota.

Kahanga-hanga ang bata na habang umaawit ng “Standby Me” parang nagbi-beat box ito kasabay ng pag-strum nito sa string ng gitara.

Naloka ang mga follower ni Dingdong sa talent ni Zia.

“She did her thing. She strummer-not yet with chords ha-and sang. In the process of executing each stroke, each breath I was melting,” sabi ni Dong.

***

Tom laman ng dasal ni Carla

Mahal na mahal talaga ni Carla Abellana si Tom Rodriguez dahil sa halip na selebrasyon, cake o munting salu-salo ang una nitong pinoste sa kaarawan ng boyfriend, panalangin at pasasalamat sa Diyos ang ibinahagi ng aktre sa kanyang Instagram.

Masisilip sa IG ni Carla ang larawan ni Tom na nasa altar.

Mababasa sa caption ang dalangin ni Carla na magkaroon ng patuloy na blessing ang kasintahan sa mga susunod pang taon, kasabay ang pasasalamat niya sa katangian ng aktor.

“Dear Lord, THANK YOU for the Man that @akosimangtomas is. Please bless him today, his birthday and all the days of his life,” sabi ni Carla.

The post Karla-Jam kinabog KathNiel sa lambingan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *