‘Kargada’ ni Ruru aksidenteng nahawakan ni Jasmine

‘Kargada’ ni Ruru aksidenteng nahawakan ni Jasmine

Bagong artista pa lang si Ruru Madrid nang makita niya sa isang showbiz event si Jasmine Curtis-Smith. Nakatabi niya si Jasmine at todo-titig lang siya sa kanya.

kargada ni ruru aksidenteng nahawakan ni jasmine - ‘Kargada’ ni Ruru aksidenteng nahawakan ni Jasmine
jasru - ‘Kargada’ ni Ruru aksidenteng nahawakan ni Jasmine

Jun Nardo I Know Better 13 336x224 - ‘Kargada’ ni Ruru aksidenteng nahawakan ni JasmineBagong artista pa lang si Ruru Madrid nang makita niya sa isang showbiz event si Jasmine Curtis-Smith. Nakatabi niya si Jasmine at todo-titig lang siya sa kanya.

“Tinatanong na niya ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya at tumatawa siya.

“’Yun ‘yung hindi ko makakalimutan sa kanya at tumatak na sa akin ang ganda niya at gusto ko siyang makatrabaho,” pag-aalala ni Ruru nang una niyang makita ang crush niya.

Nakausap ng press si Ruru sa pocket interview niya sa movie nila ni Jasmine na “Cara X Jagger” mula sa APT Entertainment at Cignal Entertainment. Nagkita silang muli sa “Sunday PinaSaya” pero natorpe siya.

“Hindi ako makagalaw. Ewan ko kung bakit. Hindi naman ako mahiyain. Makapal ang mukha ko.

“Ewan ko pero nang makita ko si Jasmine, parang may pumipigil sa akin na lapitan ko siya. Alam kong makakatrabaho ko na siya. Sinabi na sa akin. Pero hindi talaga ako makalapit sa kanya,” dagdag niya.

Ang bango-bango raw parati sa set ng Kapuso hottie, ayon kay Jasmine.

“Siya kasi ang lagi kong kaeksena kaya gusto ko lagi akong mabango.

“Gusto ko rin siyang binibeybi. Laging dinadalhan ng inumin,” saad pa niya.

May lampungan scenes sila ni Jasmine.

“Naku, na-touched nga niya! Ha! Ha! Ha! Kaya bigla ko na lang siyang niyakap,” sambit ni Ruru nang ‘di sinasadyang mahagip daw ni Jasmine ang kanyang ‘kargada’.

Kumusta namang kahalikan ang leading lady?

“Kung ang mata ko ay nangungusap, ang labi naman niya ang nangungusap!” diin ni Ruru.

Wala bang magseselos sa kissing scene nila?

“Walang dapat ipagselos! Ha! Ha! Ha!” deklara ng Kapuso hottie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *