Kapuso starlet hinalikan ni Piolo, nagwala sa party

piolo-pascual

Dumaan kami sa birthday asalto ni Boy2 Quizon noong Miyerkoles nang gabi sa Tipsy Pig sa may Timog Avenue. Sobrang jampacked ang lugar dahil bukod sa mga well-wisher ni Boy2 ay nadagdagan pa ito ng mga regular customer ng Tipsy Pig kaya maski ang buong parking lot ay punong-puno.

The post Kapuso starlet hinalikan ni Piolo, nagwala sa party appeared first on Abante News Online.

kapuso starlet hinalikan ni piolo nagwala sa party - Kapuso starlet hinalikan ni Piolo, nagwala sa party
piolo pascual1 - Kapuso starlet hinalikan ni Piolo, nagwala sa party

abante talbog joe barrameda 336x224 - Kapuso starlet hinalikan ni Piolo, nagwala sa partyDumaan kami sa birthday asalto ni Boy2 Quizon noong Miyerkoles nang gabi sa Tipsy Pig sa may Timog Avenue. Sobrang jampacked ang lugar dahil bukod sa mga well-wisher ni Boy2 ay nadagdagan pa ito ng mga regular customer ng Tipsy Pig kaya maski ang buong parking lot ay punong-puno.

Ang mga “Bubble Gang” cast na nandoon noon ay nanggaling naman sa block screening nila ng “Family History” na dinaluhan ng kaibigan ni Bitoy na si Ogie Alcasid. Ginanap ang nasabing block screening sa Vertis North malapit sa Trinoma.

Namataan din namin sa party sina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, Direk Joyce Bernal, Marco Gumabao, ang napakaguwapo pa rin na si Jeremy Marquez, Cholo Barretto, Smokey Manaloto, Neil Arce, at marami pang iba.

Present din si Ashley Rivera na nagsisisigaw sa sobrang kilig kay Piolo Pascual nang nagpa-picture ito lalo na nu’ng hinalikan siya. Hindi niya mapigilang sumigaw sa sobrang galak habang nakatingin ang mga kasamahan niya sa “Bubble Gang”. Kaloka talaga.

Kitang-kita namin ang galak ni Boy2 sa dami ng nagmamahal sa kanya.

Arra, Thea nagsalpukan agad sa ‘Madrasta’

Puspusan na ang paghahanda ng cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na “Madrasta” para sa kanilang serye. Star-studded nga ang pilot taping kung saan present sina Arra San Agustin, Juancho Trivino, Thea Tolentino, Manilyn Reynes at Gladys Reyes.

Sumabak din sa mga eksena sina Isabelle de Leon, Anjo Damiles at Divine Aucina. At base sa mga behind-the-scenes photos na kuma-lat online, mukhang intense na mga eksena agad ang kinunan ng cast!

At siyempre, kaabang-abang din ang magiging mga karakter nina Arra at Thea sa serye.

Samantala, bibisita naman si Juancho kasama sina Yasmien Kurdi, Yasser Marta at Kylie Padilla sa Magic Mall Urdaneta sa Pangasinan para sa isang Kapuso Mall Show ngayong Sabado, Hulyo 27 at 3PM.

Hairstyle ni Ken Chan pinag-usapan

Usap-usapan ngayon ang bagong hairstyle ni Ken Chan! Ipinasilip niya ang kanyang new look sa isang Instagram post kung saan makikita ang bagong hairdo ng aktor bilang paghahanda sa kanyang upcoming serye kasama si Rita Daniela na “One of the Baes”.

Ang kilalang hair sty-list na si Bambbi Fuentes mismo ang nag-makeover kay Ken! Aniya, dapat daw abangan ang karakter niyang si Grant sa latest project na ito. Ano kaya ang magiging relasyon ng karakter ni Ken kay Rita sa serye? ‘Yan ang dapat abangan sa “One of the Baes” soon on GMA.(Joe Barrameda)

The post Kapuso starlet hinalikan ni Piolo, nagwala sa party appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *