Kapuso star na nag-audition sa Darna parurusahan

Pinaiingay ang Darna audition na kung sino-sino ang mga kinokonsider. Pati mga Kapuso star ay inuugnay sa audition na ‘yan.

The post Kapuso star na nag-audition sa Darna parurusahan appeared first on Abante News Online.

kapuso star na nag audition sa darna parurusahan - Kapuso star na nag-audition sa Darna parurusahan
darna 2 - Kapuso star na nag-audition sa Darna parurusahan

abante talbog joe barrameda 336x224 - Kapuso star na nag-audition sa Darna parurusahanPinaiingay ang Darna audition na kung sino-sino ang mga kinokonsider. Pati mga Kapuso star ay inuugnay sa audition na ‘yan.

Kahit siguro mag-audition sila ay sigurado naman na taga-ABS-CBN din ang kukunin. Maaaring inuugnay nila ang GMA star para lalong magkaroon ng ingay na planong gawing pelikula. Isa si Sanya Lopez na sinasabing dapat mag-audition sa Darna.

May narinig ako na nag-request daw ang Star Cinema sa GMA Artist Center para makapag-audition ang mga contract star nila sa nasabing pelikula. Pero hindi yata pumayag ang GMA Management sa request na iyon. Kaya malabong mangyari at makakuha sila sa GMA stars para gumanap na Darna.

How true na merong GMA artist na nag-audition nang walang permiso sa kanyang manager sa nasabing network? Nasa hot water ang artista at mukhang pinag-aaralan kung anong sanction ang ipapataw sa nasabing artista.

Gabbi bagong ‘love’ ni Jeric Gonzales

Puro positive feedback ang naririnig namin sa ipinamalas ni Jeric Gonzales bilang isang sex slave sa Saudi Arabia sa isang episode ng “Magpakailanman.” Aminado si Jeric na ibinagay niyang lahat ang acting skills niya to the point na kinailangan niyang magpakita ng skin habang inaabuso siya sexually ng isang babaeng Arabo.

Kinailangan daw siyang magsuot ng pantyhose para hindi makita ang maseselang parte ng katawan. Kaya ito ang naging basehan at pinuri siya ng mga GMA boss at ibinigay ang lead role ng upcoming teleserye opposite Gabbi Garcia.

Ngayon pa lang ay puro training workshop ang ginagawa niya for the upcoming tele-serye. Ito na talaga ang taon ni Jeric after a long wait at hindi na siguro ako makakarinig na wala pa raw napatunayan ang isang Jeric Gonzales.

Sachzna sikat sa YouTube

Ilang beses na namin nakasama si Sachzna Laparan sa mga lakaran pero wala sa isip namin na sikat at YouTube sensation pala ang commercial model na ito. Noong Linggo sa imbitasyon ni RS Francisco ay nag-food hopping or tripping kami sa Angeles, Pampanga.

Sa pamamasyal namin sa ‘walking street’ na isang busy at full of actions ay marami ang lumalapit kay Sachzna para magpa-picture. Lahat naman ay pinagbibigyan ng YouTube sensation.

The post Kapuso star na nag-audition sa Darna parurusahan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *