Kapamilyang aktres dinuraan, Dianne nagwala

Umusok sa social media ang intriga kung sino kaya ang tinutukoy ng host-actress na si Dianne Medina sa kanyang recent patutsada sa Facebook.

kapamilyang aktres dinuraan dianne nagwala - Kapamilyang aktres dinuraan, Dianne nagwala
diane - Kapamilyang aktres dinuraan, Dianne nagwala

Umusok sa social media ang intriga kung sino kaya ang tinutukoy ng host-actress na si Dianne Medina sa kanyang recent patutsada sa Facebook.

Mukhang nag-iinit talaga sa gigil ang host sa kanyang post kaya napa-blind item ito.

“BLIND ITEM: Da who itong artista nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. Girl, respect pls. Minsan lang ako status Girl, wag ang pamilya ko! (angry emoji),” sey ni Dianne.

Naging palaisipan sa mga netizen kung sino nga ba ang mga artista na nasa blind item ni Dianne.

Pero wait, there’s more! Palagay ng mga fan ay may kinalaman ang post ni Maxine Medina, na pinsan ni Dianne, tungkol sa blind item ng huli.

Nagbahagi kasi si Maxine ng post kung saan magkasama sila ni Dianne kalakip ang caption na “Glad to have my family with me all the time I needed them”.

Kani-kanyang hinuha ang mga fan kung sino kaya ang pinapatutsadahan ng aktres.

“Selos siguro si Kylie Versosa kay Maxine dahil kay Jake haha nag iba kasi role ni Kylie sa Losbastardos naging kontrabida at si Maxine ang naging ka loveteam ni Jake,” hirit ng isang netizen.

Wala pa namang pahayag ang sino man sa dalawa kung ano nga ba ang puno’t dulo ng naturang blind item at kung magkaugnay nga ba ang kanilang mga post. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *