Kapamilya star kinilig kay Maine

Isa nga sa pinuntahan ni Maine Mendoza sa bakuran ng ABS-CBN ay ang studio ng MYX, na kung saan ay inamin niyang matagal na niyang pinangarap.

kapamilya star kinilig kay maine - Kapamilya star kinilig kay Maine
maine 15 - Kapamilya star kinilig kay Maine

Isa nga sa pinuntahan ni Maine Mendoza sa bakuran ng ABS-CBN ay ang studio ng MYX, na kung saan ay inamin niyang matagal na niyang pinangarap.

Dream come true nga raw ito para sa kanya, dahil 9 years ago ay nag-feeling VJ nga siya ng MYX.

Heto nga ang chika ni Maine noon: “Hi I’m Maine Mendoza and you’re watching Myx, your choice, your music.”

Tandang-tanda pa ni Maine ang mga linyang ‘yan na binitawan niya siyam na taon na ang nakalilipas.

“Tweeted this 9 years ago and now I am here at Myx! Guest lang naman ako pero waaaahhh nakakatuwa! Nice to finally meet you,” sabi niya kay Robi Domingo.

At si Robi naman, tila kilig na kilig na nakasama na niya finally ang Dabarkads na si Maine, at bida rin sa pelikulang “Isa Pa, With Feelings”.

“So surreal! Can’t believe this meet up finally happened! The Maine reason why I went to the myx studios haha. Salamat, Myx VJ Maine!” sabi ni Robi.

Oh, ‘di ba? Mga Kapamilya star naman ang umaasam na makita, makasama si Maine. Parang si Alden Richards din nu’ng promo ng “Hello, Love, Goodbye” nila ni Kathryn Bernardo, na kinatuwaan din ng mga Kapamilya.

Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *